^

Pang Movies

Kris, papasok na sa UCLA Hospital!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris, papasok na sa UCLA Hospital!
Kris Aquino

Malalaman ngayong araw kung tinanggap si Kris Aquino sa UCLA Hospital.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot si Batangas Vice Governor Mark Leviste kung na-admit na sila.

Sa totoo lang, talagang nakakabilib din ang dedication ni VG Mark sa pag-aalaga kay Kris.

Last Valentine ay nag-compile pa si VG Mark ng birthday greetings for Kris.

Nakakaiyak dahil ang iba sa kanila ay kinantahan pa si Kris like Gary Valenciano, Martin Nieverra, Sarah G., Kim Chiu, Darren Espanto, Jed Madella, KZ Tandingan at marami pang iba.

Andun din ang mga anak ni VG Mark.

Marami ring mga paring nagbigay ng mensahe kay Kris.

“Basta love, dasal at laban lang tayo,” sabi pa ng pulitiko na galing ng Batangas.

“You mean the whole world to me,” dagdag pa nito.

Grabe iba rin ang pagmamahal ni VG Mark kay Kris.

Sana nga ay gumaling siya at maging masaya ang kanilang relasyon.

Nauna na ngang sinabi ni Kris na “Yes, because of Churg Strauss i now have cardiomyopathy. This means my heart muscles are having trouble pumping blood due to inflammation, and because of that inflammation, it’s exhausting my heart and causing it to begin to fail and ultimately, please pray with me- sana hindi tuluyang sumuko or mag CARDIAC ARREST.”

Oras diumano na pumasok na sa hospital si Kris ay hindi na siya pwedeng dalawin muna kaya uuwi muna ng Pilipinas sina Joshua and Bimby.

Kampo ni Bea, pinag-aaralan ang mga basher?!

Totoo ba na nakikipag-usap din ang kampo ni Bea Alonzo sa mga abogado?

Narinig ko lang naman na pinag-aaralan din ng kampo nito kung ano ang pwedeng gawin sa mga natatanggap na bashing at ilang negative comments sa actress dahil sa breakup nila ni Dominic Roque na sa totoo lang ay sinakyan na rin naman ng ibang pulitiko.

Sa kasalukuyan ay nananatiling tahimik ang actress.

Aktor, ini-enjoy ang regalo ng pulitiko

Sosyal, regalo pala ng isang kilalang pulitiko ang gamit na motor ng isang actor ayon sa super reliable source.

Hindi pala ladlad ang pagiging bisexual ng nasabing pulitiko dahil kahit ako ay na-shock nang marinig ko na regalo niya ang nasabing motorsiklo sa actor.

Old rich ang pulitiko at pamilyado kaya sobrang shocking ang kuwento.

Tho sa totoo lang, matagal-tagal na ring may ilang nagdududa na matalas din ang mga mata nito sa mga macho. Hahaha.

Grabe ngayon, talagang nakakagulat ang mga naglalabasang kuwento.

Wala nang clue. Hahaha.

Sarah super dikit kay Sofia...Richard, may bagong simula na!

Mag-uumpisa na ulit magtrabaho si Richard Gutierrez.

Kahapon ay nag-post siya na kasama ang mga bossing ng ABS-CBN na sina Ms. Cory Vidanes and Lauren Dyogi.

“New beginnings. Fresh start. Excited for this new chapter with my @abscbn family and thankful for their continued support. Looking forward to sharing more with you in the near future.

“Glory to the most High,” caption ng actor na nanatiling tahimik sa pinag­daanan nila ni Sarah Lahbati na parang nabawasan ang mga rampa nang sumabog ang balitang hiwalay na sila ng aktor.

Sa kasalukuyan ay inaayos na raw ng mga abogado nila ni Richard ang hatian ng properties dahil wala silang pre-nuptial agreement.

Kaila, ngayon nakaranas pumirma ng kontrata

Pinirmahan ni Kaila Estrada ang kanyang kauna-unahang kontrata sa ABS-CBN, na minarkahan ang isang milestone sa kanyang karera bilang isang rising star, sa Forever Kapamilya contract signing event noong Lunes (Pebrero 19).

Sa kanyang unang contract signing, ipinahayag ni Kaila ang kanyang kaligayahan at pananabik sa pagiging isang ganap na Kapamilya.

“I’m really so grateful and I feel so blessed and I’m very happy and proud to be a Kapamilya and I will always be a Kapamilya for as long as you will have me. Thank you so much for this,” sabi niya.

“Like I said earlier this was really where I wanted my journey in show business to begin and I’m so glad that it will continue. I’m looking forward to more years to come for us as a family. I’m so grateful, I’m so blessed,” dagdag pa niya.

Dumalo sa contract signing sina chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, Star Magic head at Entertainment Production head Laurenti Dyogi, at CFO Rick Tan Jr.

Samantala, naging emosyonal si Kaila matapos marinig ang mga mensahe ng kanyang mga magulang na sina John Estrada and Janice de Belen sa kanyang contract signing.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with