Ruru at Bianca, gustong tularan ang mag-asawang Gladys at Christopher

Kaya talagang nakakabilib ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes na 31 years na ang relasyon pero hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong naghiwalay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mas masayang marinig ang kuwento ng matagal na pagsasama ng isang celebrity couple sa kabila ng sunud-sunod na hiwalayan sa show business.

Kaya talagang nakakabilib ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes na 31 years na ang relasyon pero hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong naghiwalay.

“Oo, 31 years of togetherness - 20 years of marriage.”

Hindi ka ba kinabahan nung nauso ‘yung hiwalayan?

“Kaya nga! Nag-celebrate na kami noh,” reaksyon ni Gladys sa 20th wedding anniversary celebration nila ni Christopher na isinabay sa 18th birthday party ng panganay nilang si Christophe. “Hindi naman. Pero mas lalo mong mare-realize ‘di ba na every moment counts. Life is unpredictable. Iyong hindi na tayo sigurado kahit ‘yung mangyayari lang mamaya ‘di ba,” komento pa ng actress.

Wala bang time na muntik na kayong maghiwalay?

“Nung mag-jowa pa lang kami. Para bang naghiwalay kami ng one and a half months. ‘Yun na ‘yun. Iyon na ‘yung pinaka-breakup namin pero simula nung naging mag-asawa hindi naman, pero lagi kaming nagkakainisan niyan eh, nagkakabwisitan pero ewan ko ba pagsapit ng gabi naiiba. Parang ‘pag umaga parang kakainis ang bagal-bagal ganyan tapos bago ako kumilos ang tagal ko raw maligo ganyan pero pagda­ting ng gabi nag-iiba ang ihip ng hangin. Ewan ko ba sa akin,” natatawa pa niyang kuwento na nag-umpisang makilala bilang Clara sa Mara Clara nila ni Judy Ann Santos.

So masasabi ba niyang iba pa rin talaga ang alindog niya. O baka naman masundan pa ang bunso nila?”

“Uy wala na! Hindi na pwede, sarado,” sabay tawa niya ulit na sagot kung pwede pa bang sundan ang kanilang bunsong anak.

Pero siya lang ba ang nag-iiba ang mood ‘pag may inisan o bwisitan sila?

“Depende kasi sa mood ‘yun. Syempre kailangan… ‘Di ba sabi nila pantulog, hindi, ako panggising ‘yung susuotin ko ‘pag ganun. Para magising ang mga kalamnan.”

So magaling kang ‘magpagising’ (na may naughty meaning)?

“Manggising. Oo ng kamalayan… Pero akala mo, importante ‘yun ah. We’re all adults. ‘Yung intimacy kasi ng isang mag-asawa importante ‘yun kahit sabi nga nila, what keeps the fire burning‘di ba. Kasi dapat may effort from both sides. Hindi pwede ‘yung the normal thing lang na okay wala nang lambing-lambingan, labing-labing o tapos okay talikuran ‘di ba ‘yung ganun.

“Ibig kong sabihin kailangan unang-una kailangan hanapan ninyo ng time. Mag-date kayo, mag-staycation kayo ng kayong dalawa lang,” payo na rin niya para mas tumagal ang pagsasama ang isang mag-asawa.

“Dati ano ako dyan, guilty. Nagi-guilty ako ‘yung hindi kasama ng mga anak ko. Pero siguro as they grow older parang natutunan ko na at the end of the day kaming dalawa (ni Christopher) ang matitira rito ‘di ba. Magkakaroon sila ng kani-kaniyang buhay. Totoo talaga ‘yun eh. Hindi ‘yun cliché kapag napapakinggan natin pero iyon ‘yun kaya dapat solid talaga kayo (mag-asawa),” mahaba pang kuwento ni Gladys.

Hindi biro ang 31 years kaya naman sila ang peg ng magkarelasyong Ruru Madrid and Bianca Umali na kabilang sa mga guest sa nasabing party na ginanap sa Glass Garden Events Place in Pasig.

Naging highlights ng gabing ‘yun ang rock concert ni Christophe na nagulat sa surprise contract signing niya sa ABS-CBN Music.

Gulat na gulat si Christophe dahil wala siyang kaalam-alam na kaya dumating ang mga executive ng ABS-CBN Music ay dahil nga pipirma na siya ng contract sa kanila. Kaya naman tilian ang mga kaklase niya sa UP.

Naki-celebrate rin nung gabing ‘yung sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Claudine Barretto, at marami pang iba.

Anyway, definite ang pagsasama sa pelikula nina Vice at Gladys.

Ayon kay Vice: “Sana sa next movie ko, magkasama na tayong dalawa.”

Sagot ni Gladys: “Sana with Direk Jun Lana ‘di ba”.

“Yes, oo may project tayo with Jun Lana, with Direk Jun Lana kaya ayun nakaka-excite,” sagot ni Vice.

Kasi ayon kay Vice ay napanood niya ang pelikula ni Gladys na Kuwentong Barbero. “Tapos sabi ko, ay Jun Lana. Eh meron akong project with Direk Jun. Saktong-sakto kasi Jun Lana baby siya. Sabi ko kay Direk Jun magsama tayo sa next project kaya I’m very happy to be here tonight,” ayon kay Vice na matagal nang kaibigan ni Gladys.

In fact, naalala niya na nung magkaroon siya ng concert tour, si Gladys ang kasama niya.

Happy anniversary, Chris and Gladys, and happy birthday Christophe.

Opisyal ng gobyerno, tinaningan na raw ang buhay

Pinag-uusapan ngayon ang medical condition ng isang cabinet member ng kasalukuyang administration.

Diumano ay tinaningan na ito ng buhay dahil nga sa kanyang sakit. Totoo ba na leukemia?

Pero may nag-advise naman daw na magpa-se­cond opinion ulit ito sa ibang bansa.

Hindi raw lihim sa political circle ang nasabing karam­daman ng opisyal ng gobyerno.

Show comments