Bianca, hindi nakabog

Bianca

Ang bongga naman ng aktres na si Bianca Manalo na pasok din pala sa iconic telefantasyang Encantadia Chronicles: Sanggre.

Nagsimula na siya sa fight training para sa bagong serye ng GMA.

Pinakita niya ang mga video ng kanyang training kasama ang co-stars na sina Bianca Umali at Shuvee Etrata at hindi talaga siya nagpapatalo sa mga bagets.

Caption niya sa video na ipinost, “Fit check: I’m already 37 pero kaya ko makipagsabayan sa kanila and they are all only in their early 20’s. I’m so proud of myself. “PS: Just got back from the [U.S.] yesterday, but, GAME ON!”

Hindi siya nag-aksaya ng oras dahil kagagaling lamang niya sa kanyang bakasyon sa Amerika pero heto at nasa training na agad siya at balik-trabaho na.

Mukhang handa na ngang makipagbakbakan ang karelasyon ni Sen. Win Gatchalian.

At least hindi naapektuhan si Bianca sa mga naglabasang intriga sa kanya.

Imagine kung pinaniwalaan nila ang ibang mga haka-haka sa social media.

Ngayon talaga dapat matigas ka sa mga isyu dahil kung mabilis kang madadala, ikaw na ang may kasalanan sa rami ng judgmental sa kasalukuyan.

Iba talaga siguro kapag matured na, hindi na basta-basta naaapektuhan emotionally.

Show comments