Billy at Coleen, apektado sa pagpatay sa step-aunt nilang galing abroad

Coleen

MANILA, Philippines — Nagpapa-renovate pala ng bahay sina Billy Crawford and Coleen Garcia kaya bagong lipat sila.

Kasabay nito ang pag-amin na naging challenging season ang naranasan ng kanilang pamilya.

Three days before Christmas nang matagpuang duguan at patay ang kanyang step-aunt na si Canice Minica Seming.

Ayon sa report ng GMA 7, nagtamo ng “15 stab wounds” ang kanyang step-aunt na kadarating lang ng bansa para sana magdiwang ng Pasko rito.

Bale kapatid ito ng step-mom ni Coleen.

Nauna nang nag-post ni Coleen na naniniwala sila na ang umano’y salarin ay ang karpintero ng kanyang ama na ang sinasabi ay diumano’y nakikipagbalikan sa karelasyon nilang kasambahay pero ang step-aunt ni Coleen ang naabutan sa bahay.

Pero naaresto na raw ang suspek bago nag-Pasko at iginiit ng suspek na nasa impluwensya ng alak siya nang gawin ang krimen.

Kawawa ang step-aunt ni Coleen dahil andito lang sana para magbakasyon, mapapatay pa.

Sa isang exclusive subdivison nakatira sina Billy at Coleen pero wala namang banggit kung doon sa kanilang bahay naganap ang krimen.

Kaya naman ang post ni Coleen : “No Christmas PJs this year cause all of our stuff are still in boxes while our home is being renovated. It’s been a challenging season for our family (if you only knew), but I will never stop praising God for how good He is in spite of it all. My heart is still full of gratitude, and I will forever be in awe of how He works. Just taking this time to mark this moment in our lives. The past couple of months alone have been crazy, to say the least. I’m excited to start a new year and a new chapter already, but the lessons we’ve learned and faith we’ve built in this season will carry us through the rest of our lives. The God of the mountain is the God of the valley. Thank you, Lord, for the gift of family. Truly, it’s all that matters to me.”

Sharon, nagpakatotoo na sa relasyon nila ni Kiko

Nagpasalamat si Sharon Cuneta sa kanyang neybor na si former senator Kiko Pangilinan.

Pero pinagdiinan niyang honest man ang pinakasalan niya. “Kiko @kiko.pangilinan and I are not perfect. We may be going in different directions, disagreeing about the future…but all these qualities, he has. I married a good and honest man. Thank you, neybor. Love you always, and thank you too for being a great Dad to our kids,” ang buong post ni Ate Shawie na lately ay maraming hugot sa mister na dating pulitiko pero walang malinaw kumbaga sa mga statement niya sa social media.

Pero sa inilagay niyang art card ay tungkol sa loyalty at hulang-hula na meron silang pinagdaraanan ng mister kahit natuwa ang kanyang followers.

Neybor na ang dati nilang tawagan pero ngayon ay binigyan na ng malisya.

Matagal nang pinag-uusapan ng ilang taong malalapit sa kanila na hindi na nga sila magkasama sa iisang kuwarto.

Pelikula ni Papa P, tinahi sa iba’t ibang panahon

Mabilis na tinanggi ng spokesperson ng Metro Manila Film Festival na si Noel Ferrer na official ang kumalat na ranking sa social media kahapon.

May amount pang nakalagay sa nasabing ranking.

Pero hindi raw ‘yun totoo. “It has been the MMFF EXECOM’s practice not to release any unofficial gross sales of individual films and rankings so as not to create a bandwagon effect.

“Let all the films flourish and enjoy the support of as many Filipino audience as possible without the misleading numbers.”

Matagal nang hindi naglalabas ang MMFF ng ranking para maging fair ang laban dahil lahat naman talaga ng pelikulang kasali ay ginagastusan.

Ngayon ay pinipilahan at totoo ring napakaaga pa para sabihing may number 1 lalo na at ngayong gabi pa lang magaganap ang Gabi ng Parangal.

Pero sa totoo lang malakas ang laban ni Piolo Pascual sa Best Actor. Ang hirap ng ginawa niya sa pelikulang Mallari.

Mahusay rin si Dingdong Dantes sa Rewind kaya baka silang dalawa ang maglaban tho hindi ko pa napanood ang ilang entry.

Tatlong character ang ginampanan ni Papa P mula sa iba’t ibang panahon kaya tama pala ‘yung sinasabi niyang ito na ang pinaka-mahirap niyang ginawa sa buong career niya.

Time capsule kaya’t talagang ginastusan ng producer ng pelikula, ang Mentorque.

Tinalo rin nito ang mga naunang sinulat ni Enrico Santos at dinirek ni Derick Cabrido.

 Mahusay rin si JC Santos sa pelikula kaya pwedeng-pwede siyang manalo ng Best Supporting award.

Ginagampanan niya ang deacon na tinulungan ng pamilya nila Piolo.

Magaling din sina Janella Salvador at Elisse Joson na girlfriend at Fil-Am wife ng dalawang character ni Piolo.

Ibang atake ang ginamit nila sa kuwento .

Isang doctor si Piolo na papakasalan ang girlfriend.

Pero nagkakaroon siya ng mga masasamang panaginip kaya’t pinuntahahan niya ang ancestral house nila sa Pampanga na kasama ang deacon upang diskubrehin ang sikreto sa mahabang buhay ng kanyang lola sa tuhod.

At doon naganap ang mga patayan sa lugar sa Pampanga.

Naalala ng pari doon ang mga nangyari noon na nahatulan ng pagpatay ng 57 taong 1812.

Kasabay nito madidiskubre ni doc (Piolo) ang madilim na nakaraan ng kanyang pamilya.

Tinahi-tahi ang mga pangyayari sa magkakaibang panahon.

 Nagtitilian ang mga kasabay naming nanood, lalo na ang mga kabataan.

‘Di mo muna pagnanasaan si Papa P sa pelikula, matatakot ka at matitigalgal sa kanyang character.

Anyway, sa ngayon ay talagang ang saya ng paligid ng mga sinehan. Ang daming nanonood, pila-pila, na sana ay magtuloy-tuloy.

At tiyak na magbabago ang standing, depende sa mga mananalo sa gaganaping awards night ngayong gabi.

Si Direk Chito Roño ang chairperson ng Board of Judges at assistant chair si Lorna Tolentino.

Magkaiba sila ng taste sa pelikula kaya nakakasabik malaman kung sino ang mananalo.

Sa ngayon ay nadagdagan ng sinehan ng Rewind and Mallari.

Show comments