Ang bongga naman ni Miguel Tanfelix na kasama sa isang litrato ang mag-amang Ysabel Ortega at Sen. Lito Lapid.
Isang black and white photo nila ng kanyang ama ang ipinakita ng aktres sa social media na may caption lamang na white heart emoji. At sa isang photo ay silang tatlo.
Marami naman ang kinilig dahil sa photo nila.
Mukhang seryosohan na talaga ang relasyon ng dalawa at ipinakilala na ni Ysabel si Miguel sa amang si Sen. Lito Lapid.
Kaya naman masaya ang mga tagahanga nila at netizens nang makita ito. Komento nila ay sa wakas napakilala na nito sa ama ang aktor.
Inamin nila na exclusive na sila sa isa’t isa pero wala pa raw silang label at hindi naman nila minamadali ito.
Samantala, kuwento noon ng aktres ay sinadya naman niyang hindi gamitin ang apelyido ng ama dahil mas gusto niyang gumawa ng sariling pangalan nang hindi umaasa sa pangalan nito.
Mukhang exciting din na makita ang mag-ama sa isang proyekto. Siguradong maraming fans ang aabangan ‘pag nangyari iyon lalo na kung kasama rin si Miguel.
Hindi naman na imposible ‘yon ngayon lalo na nagkakaroon na ng mga collab ang magkakaibang istasyon. Bongga.