Kahit bingi na... Noel Trinidad, walang balak magretiro
Never na inasahan ang 82-year-old veteran singer, actor at dating advertising executive na si Noel Trinidad na mabibigyan siya ng isang malaking break na magbida sa family drama movie na Family Matters ng Cineko Productions nung 2022 Metro Manila Film Festival.
Ayon kay Noel, masaya na umano siya kapag nakakatanggap siya ng offer para sa isang TV series o pelikula bilang isa sa mga suporta pero never umano niyang in-imagine na darating pa ang pagkakataon na mabibigyan siya ng role na siya mismo ang pangunahing bida sa Family Matters.
Sobra umano siyang na-in love sa kanyang role at sa buong kuwento nang mabasa niya ang script.
Ang award-winning movie na Family Matters ay nagbigay sa kanya ng dalawang Best Actor trophies mula sa FAMAS at Luna Awards ng Film Academy of the Philippines at Outstanding Actor sa 4th Laguna Excellence Awards.
Bago ang teatro, telebisyon at pelikula, si Noel ay nagsimula sa radio acting na hindi naman kataka-taka dahil anak siya ni Lina Flor na isa sa pioneers sa radio industry. From radio ay napunta siya sa radio na sinundan sa telebisyon at pelikula.
Childhood friends sila ng yumaong singer-actor na si Subas Herrero na kasa-kasama niya noon sa school plays hanggang mapunta silang dalawa sa telebisyon nung 1981 sa pamamagitan ng gag show na Champoy kung saan din nakasama sina Tessie Tomas, Mitch Valdez, Gary Lising at Cherrie Gil.
Nahaharap ngayon si Noel sa malaking challenge sa kanyang acting career dahil sa kanyang hearing problem pero wala pa umano siyang balak magretiro sa larangang ito hangga’t may offers na patuloy na darating sa kanya.
Mark Anthony, may ‘anak’ na bakla
Muling nagsama-sama sa isang pelikula ang dating miyembro ng Guwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jao Mapa sa pelikulang drama movie na Para Kang Si Papa kung saan din tampok sina Nikko Natividad, Ruby Ruiz, Zeus Collins, Kid Yambao at iba mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap under Viva Films.
Mag-ama ang role na ginampanan nina Mark Anthony at Nikko who plays the role ng isang gay. Ipinakita sa pelikula ang pagmamahal at sakripisyo ng isang mag-ama at samahan at malasakit ng magkakaibigan.
Ang Para Kang Si Papa ay pangalawang movie ngayong taon ni Direk Darryl after Martyr or Murderer, isang political movie na ipinalabas early this year ng Viva Films.
Fabio, ‘di pa nakakalalake
Nine years old na ang anak na babae ng Brazilian-Japanese model-actor at entrepreneur na si Fabio Ide na si Dannie sa anak ng veteran actress na si Melissa Mendez na si Denisse Oca. Bukod kay Dannie, may twin daughters din ang Brapanese sa kanyang present partner na si Ellen Frojd na four months old na ngayon.
Si Fabio ay nagpa-sexy na rin sa pelikulang Higop na siyang launching movie ni Angelica Hart na dinirek ni Topel Lee at palabas on Vivamax simula sa araw na ito, Dec. 13.
- Latest