Aktres, third party sa relasyon ng showbiz couple!

Komplikado raw ang sinasabing dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa relasyon ng isang popular showbiz couple.

Tinalikuran nga ni girl ang kanyang career upang isentro ang mundo sa asawa kahit na nga very promising ang pagsisimula niya sa showbiz.

Nagkaroon sila ng anak at tanging si guy lang ang naging aktibo sa showbiz.

Then suddenly, naglabasan sa social media ang ispekulasyon na hiwalay na sila kahit walang kumpirmasyon sa dalawa kahit sa malalapit sa couple.

Eh nang maibahagi ng source namin na sinasabing dahilan eh nagulat kami. Isa lang ang puwede naming sabihin, meron daw third party na isang aktibo pa ring aktres.

GMA divas, handa na sa Queendom

Kasado na ang concert ng GMA Divas na Queendom na mapapanood na ngayong Dec. 2 sa Newport Performing Arts.

Pangungunahan ito nina Julie Anne San Jose, Rita Daniella, Jessica Villarubin, Mariane Osabel at iba pa.

Halos produkto ng singing search sa Kapuso ang bibida sa concert nilang Queendom na late last year na pinaghandaan upang ibigay ang kanilang the best sa bonggang concert na ito!

Halos sold out na ang tickets sa Queendom!

Show comments