Sofia at Allen, pinaghiwalay!
MANILA, Philippines — Nagbabalik ang Team Jolly nina Sofia Pablo and Allen Ansay sa bagong offering ng #SparkleU titled #Ghosted.
This time ay hindi kilig-kiligan ang AlFia loveteam dahil sa tema ng episode na tungkol sa isang multo na nakaapekto sa mental health ng isang student.
“Pinaghiwalay po kami ni Direk Barry (Gonzales) ng lugar sa taping para makapag-concentrate kami sa aming roles. Very different po kasi ito from the first time na nadirek kami ni Direk Barry na Luv Is: Caught In His Arms. Mas malalim po ito at mas seryoso,” sey ni Sofia.
Pinag-aralan daw ni Allen ang character niyang si Zac na isang student na nang-ghost sa dalawang naging girlfriends niya. Never pa raw kasi niyang na-experience iyon.
“Mahirap po sa akin kasi no experience ako na magkaroon ng two girlfriends na ginu-ghost ko. Kaya humingi ako ng tulong kay Direk Barry para maayos ang pag-arte ko po,” sey ni Allen.
Kasama rin sa #Ghosted sina Princess Aliyah, Liana Mae, Marcos Masa at Rufa Mae Quinto as Ms. Agnes Gaspar, the ghost teacher na hinu-haunt ang Sparkle U library.
Rob, first time sa ‘bakla’!
First time na ma-encounter ni Rob Gomez ang role niya na lover ng isang gay sa GMA-Regal teleserye na Lovers/Liars. Si Polo Ravales ang gay lover niya at meron silang mga maiinit na eksena.
“It’s my first time to portray a role of someone na may gay lover. You get super nervous when it’s about to happen, but then after, it’s just like okay, so you let it go na. I think more of the preparation was being friends with him, really get to know him, how he thinks, how he works.
“Polo is a very cool guy, sporty, gyms a lot. I met his beautiful wife, and he has a beautiful kid, so it resonated with me,” sey ni Rob na ang ka-love triangle nila ay si Michelle Vito na ex-girlfriend niya kung kanino meron siyang anak na hindi niya alam.
Paris Hilton, may bagong baby girl
Proud mama si Paris Hilton sa kanyang new baby girl.
Sa social media winelcome ni Paris ang baby girl nila ng mister na si Carter Reum.
Hilton posted a photo of a pink baby outfit with a pair of heart-shaped sunglasses and a brown teddy bear. Ang name ng baby ay London.
“Thankful for my baby girl,” caption ni Hilton na ang unang baby ay boy named Phoenix.
- Latest