Myrtle, nagwala sa salon!

‘Di nakapagpigil ang aktres na si Myrtle Sarrosa nang magtaray siya sa isang salon dahil sa pagka-murder sa kanyang buhok.

Makikita sa isang video ang pagkaimbiyerna niya sa isang salon nang masira ang alagang-alaga niyang buhok.

Kasama niya ang kaibigang aktres na si Claire Castro at makikita rin sa video ang staff ng salon ay ang kapwa nila aktres na si Elle Villanueva na nakaram­dam ng matinding takot kay Myrtle.

Pero ang pagwawala pala na ito ni Myrtle ay scripted dahil eksena lang pala nila ito sa upcoming serye ng GMA na Makiling.

Convincing daw talaga ang pag-arte ni Myrtle dahil pati si Elle ay natakot. Humanga raw talaga siya sa galing nito na parang natural daw ang acting nito.

Pero hindi raw madali para kay Myrtle ang ginawang pag-arte dahil hindi raw talaga siya sanay na magsungit.

Siguradong marami pa silang bardagulan at mas intense na eksena na aabangan. Bongga.

Show comments