^

Pang Movies

Iza, pinahiram kay Angel ang anak   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Iza, pinahiram kay Angel ang anak            

Thankful and honored si Kapuso actress Angel Guardian na napili siya bilang isa sa mga Sang’gre ng Sang’gre: Encantadia Chronicles, ng GMA Network. Si director Mark Reyes ang nag-reveal na hiningi niya ang permission ni Iza Calzado, the original Amihan ng Encantadia, para magamit ang pangalan ni Deia, ang baby girl ni Iza, si Deia Amihan, at hindi naman siya tumanggi. Gagampanan ni Angel ang role ni Deia, ang keeper ng Brilyante ng Hangin.  Kaya si Angel, nangako na she will honor and take care of Iza’s baby name.

Sa Instagram, Angel shared na nagkatrabaho na sila ni Iza sa horror films na White House at Shake, Rattle & Roll Extreme. Kaya nang malaman niyang siya si Sang’gre Deia, nakipagkita siya kay Iza during the taping of Shake, Rattle & Roll Extreme. “Nilakasan ko ang loob ko at hiningi ang permission niya to use her daughter’s name, Deia. We got emotional, I saw how special Deia is to Ms. Iza. It made me realize how lucky I am to be carrying such a deeply special name. We talked and hugged a lot, I felt as if I was on cloud nine and dreaming.”

Nag-text naman si Iza kay Angel nang ma-reveal na ang bagong cast ng Sang’gre: “Hello, anak! I saw online that they have already announced the characters for Sang’gre’ and your participation in it. I wish you all the best as you embark on this journey of playing Deia. May it bring you the break you so deserve! Alagaan mo si Deia, ha! Love you!”

Jennica, inaming pinasok ang showbiz dahil sa pera

Nag-guest si Jennica Garcia sa YouTube channel ni Luis Manzano at napag-usapan nila ang journey ng actress mula nang pasukin niya ang showbiz hanggang sa pagiging mother niya sa dalawang anak nila ni Alwyn Uytingco na sina Mori at Alessi. At isa sa natanong ni Luis kay Jennica ay kung sino ang pangarap niyang makatrabahong artista at ang sagot nito, ang mommy niyang si Jean Garcia. Pero para raw imposibleng mangyari ang wish niya ngayon, pero dati na rin naman silang nagkasama sa isang project, pero matagal na rin iyon.

“Medyo mahirap yata ngayon, kasi magkaiba kami ng network,” sabi ni Jennica. “Pero miss ko na ring makatrabaho siya muli. Nagkasama kami noon sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? sa GMA Network, 2010 pa iyon.” Kuwento pa ni Jennica kay Luis, na noon daw ay pumasok lamang siyang artista nang malaman niya kung how much ang sweldo ng isang artista, at during that time, hindi raw niya alam kung ano ang kukunin niyang college course, kaya iyon ang pinasok niya. “Gusto ko sana ng Nursing pero parang sabi ni Mama, mababa raw ang sweldo ng nurse. At noon nga sinabi ni Mama na may offer sa akin na mga projects at noon ko na pinasok ang pag-aartista.”

Nagkasamang maging hosts sina Luis at Jennica ng noontime show na It’s Your Lucky Day na pansamantalang pumalit noon sa It’s Showtime for 12 days.

Kasama naman si Jennica sa Dirty Linen teleserye ng Kapamilya Network.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with