^

Pang Movies

Pia, tinawag na Heart wannabe

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pia, tinawag na Heart wannabe
Pia
STAR/ File

Rumampa sa Milan Fashion Week si Pia Wurtzbach, kaya lang, may ibang fans na hindi natuwa at tinawag pang “Heart Evangelista wannabe” si Pia. Kahit positive ang caption sa photos ni Pia na rumarampa sa MFW, negative pa rin ang tingin ng ibang fans.

Parang hindi naman fans ni Heart ang nag-comment at tumawag na Heart wannabe si Pia dahil alam ng fans niya na pina-follow ni Pia si Heart sa Instagram. Alam din nilang okay ang dalawa, may fans lang na gustong gawan ng isyu ang pagrampa niya sa MFW.

May nabanggit pa ang nag-comment na nag-iisa lang daw si Heart at walang sinuman ang puwedeng maging carbon copy niya.

Sa nakita naman naming photos ni Pia, nag-i-enjoy siya sa MFW at binanggit pa nga na papunta siya sa first show niya at nasundan ng iba pang shows.

Lovely oope­rahan pagkapanganak!

Binasa namin ang post ni Lovely Abella kung saan, ikinuwento na four days after niyang manganak, nagkaroon siya ng infection ay kailangang operahan uli siya. Mas malala pa raw ang nangyari sa kanya noong manganak siya na normal delivery naman.

Kung tatanungin daw siya kung paano nangyari at saan galing ang kanyang infection at kung bakit siya nagkaroon ng infection, “Ang sagot ko lang po ay walang may gusto na mangyari ang lahat ng ‘to. Pero never kong tinanong si Lord kung bakit nangyari sakin ‘to, bakit nawalay ako agad sa anak at pamilya ko at mag-isa ko nilalabanan ang depression dahil alam ko na siya lang ang bukod tanging kakapitan ko at kinakausap ko sa panahon na mag-isa ako.”

Kasunod nito, pinasalamatan ni Lovely ang mga nag-donate ng breast milk sa anak niya at nangako itong magpaparami siya ng milk para siya naman ang mag-donate sa mga mother na nangangailangan ng breast milk. Hindi pa rin pala siya makapag-breastfeed dahil naka-antibiotic siya.

Pinangalanan nina Lovely at Benj Manalo ang baby boy nilang si Liam Emmanuel na kanilang ipinakilala sa vlog at inilabas din niya ang pinag­daanang hirap sa panganganak at nagka-infection pa.

Richard, proud sa anak na influencer

Makikita sa Instagram ni Richard Yap ang photos ng anak na si Ashley Sandrine Yap na kabilang sa new artists ng Sparkle GMA Artist at isa sa mga pumirma ng kontrata noong isang araw. Mababasa sa caption ang “And it’s official! @ashleysandrine is now part of @sparklegmaartistcenter! Congratulations Ash!!!”

Magkasama na ang mag-ama sa Sparkle GMA Artist Center at sabay pang pumirma ng kontrata. Si Richard nag-renew ng kanyang kontrata at si Ashley ay bagong pirma. Maganda siguro kung pagsamahin sila sa isang series o kaya’y i-guest si Ashley sa Abot-Kamay na Pangarap na hanggang January 2024 pa raw ang airing.

Hindi lang natin alam kung gustong umarte ni Ashley dahil ang alam namin, influencer siya at nakasulat sa DP niya na Digital Creator siya. Pero malay natin at subukan din nito ang acting, andyan naman ang dad niya na aalalay sa kanya.

vuukle comment

LOVELY

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with