^

Pang Movies

Neri, may paalala sa mga gahaman

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Neri, may paalala sa mga gahaman
Neri
STAR/ File

Maraming realizations ang misis ni Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda ngayong 40 years old na siya.

Ipinost niya ang litrato niya suot ang two-piece bikini kung saan ibinahagi rin niya ang mga natutunan sa buhay.

Pinaalalahanan niya ang lahat na huwag hayaan ang mga masasamang tao na baguhin ang mabuti mong puso.

Binigyang-diin din niya ang tunay na kahulugan ng pagiging ma­yaman. “Don’t confuse money with true richness. Wag maging gahaman. Mayaman ka nga, marami ka namang kaaway. Hindi sukatan ang pera sa tunay na yaman. Baka mayaman ka nga sa mata ng iba, pero wala kang tunay na kaibigan,” pahayag ni Neri sa kanyang post.

Natutunan din niya na sa bawat pagkakamali ay may kalakip na aral. Kaya ayon sa kanya hindi raw kailangang pagsisihan ang anumang nagawa sa nakaraan dahil ang mas importante ay natuto.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang Diyos sa kanyang blessings.

“Ngayong kwarenta na ako, sobrang grateful at walang hanggang pasasalamat ko kay Lord dahil may pamilya akong todo ang suporta at pagmamahal sa akin, at asawang palaging nandyan para sa akin, tagapagtanggol at tagasuporta sa akin.”

Merong ilalabas na libro si Neri sa susunod na buwan kaya naman siguradong maraming tagahanga lalo na ang mommies ang bibili nito. Talagang kahanga-hanga ang pagiging wais ng celebrity mom at entrepreneur. Bongga.

vuukle comment

NERI NAIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with