MANILA, Philippines — Ang bongga naman ng mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez. Meron silang bagong achievement.
Ibinahagi ng Kapuso actress sa kanyang social media account na nakumpleto nila ang Seafarer’s Modified Basic Safety Training at ipinagmalaki niya ang kanilang certificate at lisensya.
Caption niya, “Yes! Aljohn and I were able to complete the Seafarer’s Modified Basic Safety Training!
“Na-receive na po namin ang aming Certificate of Marine Profession and license (Boat Capt. 1 & Motorman ) Woohoo!”
Ibig sabihin nito ay balak ng mag-asawang magtrabaho sa barko? Magpapahinga kaya muna ang aktres sa showbiz?
Samantala, pinasalamatan naman ni Manilyn ang MARINA IV Batangas personnel/staff at ang mga sumuporta sa kanila.
May tatlong anak sina Manilyn at Aljon na sina Kyle, Kirk at Kael.
Inulan naman ng pagbati ang mag-asawa mula sa netizens.