^

Pang Movies

Ate Vi, nakikiramdam sa pagbalik sa pulitika sa 2028

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, nakikiramdam sa pagbalik sa pulitika sa 2028
Ate Vi
STAR/ File

Hindi pinapansin ng Star for all Seasons Vilma Santos-Recto ang mga kaguluhan sa show business.

Anim na dekada na nga naman siya sa industriyang ito, papansinin pa ba naman niya kung ano mang kaguluhan ngayon?

Halos magpatayan sila sa payabangan sa noontime shows, eh ano nga ba ang pakialam ni Ate Vi.

Noong aktibo pa siya sa telebisyon noong araw, on record na ang kanyang show ang highest rating TV  ng kanyang panahon. Isipin ninyo ang sponsors noon, pumapayag na magbayad ng pitong commercial spots, isa lang ang makakapasok sa Vilma, iyong anim mailalagay ng Channel 7 sa mga ‘di nagre-rate nilang shows. Payag ang sponsors dahil alam nila kung gaano katindi basta nakita sila sa programa ni Ate Vi.

Iba ang sitwasyon nila ngayon, naghahabol na ng sponsors ang noontime show nila na Eat Bulaga dahil sa ratings na hindi umaakyat ang numero, at kahit na sabihing ang highest rating show sa ngayon, iyong 24 Oras ay nasa kanila rin, walang nagbabayad ng pitong spots para lang makapasok ang isa sa show at ang anim ay floating.

Habang ang iba ay nagkukumahog na makagawa ng pelikula para patunayan na buhay pa ang kanilang career habang si Ate Vi ay nakaupo na lamang at dumarating sa kanya ang scripts ng mga iniaalok na project at alam nila na walang kasiguruhan na magugustuhan iyon at tatanggapin ng mahusay na aktres.

Lahat sila nagbabakasakali na makalusot, and take note, hindi mo maaaring alukin si Ate Vi na ang talent fee na parang indie.

Ang iniaalok sa kanya ay ang pre-pandemic rate. Kasi alam naman nila na ang kikitain nila ay para ring pre-pandemic gross.

At alam ba ninyong may nag-aalok na rin sa kanyang pagbabalik sa telebisyon?

Hindi lang makasagot sa ngayon si Ate Vi, dahil kinukulit rin siya ng mga taga-Batangas na muling kumandidato, hinihintay lang niya ang kalalabasan ng 2025, baka sa 2028 may iba nang plano iyan.

Ion, niresbakan ang vlogger na maepal

Binalikan ni Ion Perez ang “motivational speaker cum, basher of all” na wag na nating banggitin ang pangalan.

Sinabi kasi ng nagsasabing siya ay motivational speaker, na pumalyang makumbinsi ang mga tao sa kanyang isandaang pisong motivational rice kaya nasara ang kanyang restaurant, na si Ion daw ay palamunin lang, at kumapit sa bakla.

Pero ganoon man, walang naghahabol kay Ion na pinagawa ng advertising material para sa motivational rice na diumano’y hindi binayaran at hindi man lang binigyan ng pamasahe pabalik sa Cagayan ang mga taong gumawa noon.

Ang sagot naman ni Ion ay simple lang, para raw kasing type siya nito. Kung sa bagay matagal nang may tsismis na ganyan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumawsaw ito sa mga issue sa showbiz.

Ang daming beses na.

Nagbunga naman dahil kahit papaano ay napapansin na siya.

Pero ang pinaka-the best talaga ay ‘wag siyang patulan. Kasi kung laging babanggitin ang pangalan, sisikat nga talaga siya.

ION

VILMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with