^

Pang Movies

Jeric, nag-propose na kay Rabiya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jeric, nag-propose na kay Rabiya!
Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

Patuloy ang paghahanda ng Kapuso artists para sa inaabangang GMA Gala 2023.

Maliban sa kanilang naggagandahang outfits, kaabang-abang din ang Kapuso couples na magpapakilig sa red carpet. Kaya naman, kanya-kanya silang pakulo upang makuha ang matamis na oo ng kanilang makaka-date sa GMA Gala.

Tulad ni Paul Salas na idinaan sa romantic surprise dinner ang date proposal kay Mikee Quintos.

Ibinihagi naman ni Klea Pineda sa TikTok ang cute video kung saan nasorpresa ang kanyang girlfriend na si Katrice Kierulf sa kanyang tanong na: “Will you be my date on July 22 for GMA Gala Ball?” Hindi nabigo si Klea sa nakuhang sagot na “Yes, baby!” ni Katrice.

Samantala, isang airport proposal ang ginawa ni Jeric Gonzales para sa beauty queen girlfriend nitong si Rabiya Mateo. Makikita ang kabuuang proposal sa kanyang instagram na may caption na, “She said Yes!!! Thank you sa pagpayag na maging date ko on GMA Gala, I love you @rabiyamateo.”

Bongga.

Todo effort sila.

Pero basta ako ang mga gown nila ang aabangan ko. At siyempre ang mga ayos nila.

At depende pa rin talaga ‘yan sa kanilang glam team at make-up artist.

Mas simple at classic, mas bongga.

Kesa naman ‘yung parang galing na sa ibang planeta ang mga suot nila.

Hahahaha. Ibang planeta talaga ang naisip ko ha.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with