Dumaan pala sa isang stem cell therapy para sa autism spectrum disorder ang anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket.
Ipinaliwanag naman ng mag-asawa sa kanilang vlog ang tungkol sa stem cell bilang posibleng treatment sa autism.
Akala raw nila kagaya ng iba, ang stem cell therapy ay para lamang sa mga anti-aging or joint issues pero nalaman daw nilang treatment din ito para sa mga bata.
“They said that Rocket was a perfect candidate for stem cell therapy. She’s at the right age, because basically they want to inject stem cell and it’s going to be more effective for someone seven years and below,” sey ni Troy.
Umabot ng mula 30 to 45 minutes ang procedure at dinala si Rocket sa isang hyperbaric chamber sa loob ng isang oras. Naka-tatlong beses na raw na dumaan sa hyperbaric session si Rocket at nakakakita na raw sila ng improvement dito. Pero itutuloy pa rin daw nila ang lahat at hindi lang aasa sa stem cell.
Kaya naman maraming magulang na mayroong anak na may ASD ang naka-relate sa kanila na gagawin ang lahat para sa kanilang anak.