Dumating ang Darbarkads sa TV5 studios sa Mandaluyong, kahit wala pang show, ni wala pang rehearsals, nag-lunch lang sila kasama ang mga empleyado ng TV5 na siya nilang bagong makakasama. Bagama’t kilala na rin naman nila ang halos lahat doon, gusto nilang mas gamayin ang working environment sa bago nilang network.
Isang simpleng lunch lang daw iyon, at ang ipinagmamalaki nga nila ay ang pritong tilapia at tinolang manok na mukhang paboritong ulam ng Dabarkads. Parang sinasabi na nila sa mga taga-TV5, ganito ang maaasahan sa kanila sa kanilang pagdating sa studios.
Doon sa kanilang inilabas na videos sa kanilang social media live, mapapansin mo na talaga namang sinalubong sila nang husto ng mga taga-TV5, iyong sasakyan pa lang nila nang pumasok sa network, guided na sa parking, may sumasalubong sa kanila papasok sa ginagawang studios.
Talagang inasikaso rin naman sila ng kanilang mga dinatnan, taliwas iyan sa narinig naming reception ng mga taga TV5 doon sa isang grupong dumating sa kanila noon na ang feeling ay sila na ang magte-take over sa network. Ngayon pa lang makikita mo nang magkakaroon ng harmonious relations ang mga taga-TV5 at ang TVJ Dabarkads. Para kasi sa TVJ, ang TV5 ang siyang nagbigay sa kanila ng bagong tahanan.
Nakita rin nila sa TV5 ang isang malakas na support dahil hindi basta lipatan iyan may mga banta pa ng demandahan iyan. Para naman sa mga taga-TV5, ang nakita nila sa TJV ay isang grupo na magbibigay sa kanila ng isang high rating show na maaaing mag-angat na sa kanilang image bilang isang network.
Ang isang nakatawag nga sa aming pansin, nag-live sa social media sina Maine Mendoza at Ryan Agoncillo. Walang napanood na show, sila-sila lang, guests, walang performance, nakita lang na kumakain ang TVJ, nagkukuwentuhan ang mga tao, walang ipinamimigay na libu-libong papremyo pero ang combined viewership nila ay umabot nang mahigit na apat na milyon. Isipin ninyo, gaano karami ang nanonood kung live show na iyan.
Ngayon kasi ang TV5 ay may sampung provincial stations na ring nasa mga leading urban areas. Bukod doon malinaw ang kanilang mga digital at makukuha mo lahat ng signal kahit na wala kang cable, ang kailangan mo na lang ay ang digital box na sulit, bukod pa nga iyan sa cignal, na dahil kumukuha ng broadcast signal mula sa sattelite, nasa tuktok ka man ng bundok, o sa kabila pa ng bundok, mapapanood mo nang maganda ang TV5.
iyong komedyanteng kulay kalawang ang buhok.
Mga lumang scandal ng doktor at model, mas mabenta sa mga bading!
Laganap nga ang bentahan ng gay scandals sa isang social media platform. Karaniwan nang mababasa sa kanila iyong “avail ka ng video ko.” Mayroon din namang pormang trader na, marami silang iba’t ibang videos na ibinebenta.
Nakausap namin ang isang trader at nagulat kami na bagama’t marami nga raw luamalabas na sex videos ng male starlets lately, ang hinahanap pa rin daw ng collectors at binabayaran nang malaki ay ang sex video ng isang doktor na ginawa years back, dahil noon madilim pa at hindi maganda ang lumabas na analog videos, ngayon digitally enhanced na rin ang mga iyon kaya mabili. Hinahanap din daw ang scandal ng isang poging male model noong araw, na nabiktima ng kanyang manager.
Ang katuwiran daw ng mga bading, kaya iyon ang gusto nila ay dahil tunay na sex video, at hindi acting lang gaya ngayon. Ikalawa, class na lalaki sila, hindi gaya ngayon na naghuhubad naman sa kung saan-sang gay bars, bikini contests at sa mga cheap na indie.
Bukod pa nga sa totoong pogi ang sikat na model at si doc. Hindi rin gaya ngayon na ang nakikita naman daw ay “stunt cocks” lang, ibig sabihin fake.