Tirso, ayaw makialam kay Liza

Tirso
STAR/ File

Huling napanood si Tirso Cruz III sa GMA series na Maria Clara at Ibarra bilang si Padre Damaso.

Sa bagong series ng Kapuso na Royal Blood, kasama si Tirso sa pinagbibidahan series ni Dingdong Dantes.

Si Tirso ngayon ang director ng Film Development Council of the Philippines bilang kapalit ni Liza Diño.

Tinanong namin si Tirso kung ano ang masasabi niya kaugnay ng issues na ibinabato kay Diño.

Sagot niya, “Wala akong alam diyan. Administrasyon niya ‘yun.”

Bakit nga kaya binabato ng ganung intriga ngayon si Diño eh tapos na ang panunungkulan niya?

Nagbanata ng demanda!

Grabe raw kung dumepensa ang isang TV executive sa bashers kaugnay ng bagong hosts at segment ng Eat Bulaga.

Halos lahat daw ng negatrons ay sinasagot ng TV exec, huh! Wala siyang kapaguran kahit na mas marami ang batikos sa papuri, huh!

Anyway, nagbigay na ng warning ang Jalosjos kaugnay ng title at segments ng Bulaga gaya ng Pinoy Henyo at Bawal Judgmental.

May karapatan daw sila kaugnay nito dahil registered ito under TAPE, Inc.

Kaya kung sino ang gagamit sa title na Eat Bulaga at ibang segments ng noontime eh may makakasuhan nila, huh!

Abangers tayo sa July 1 kung ano ang title at segments ng noontime show nina Tito, Vic and Joey at iba pang legit Dabarkds!

Show comments