Natupad din ang matagal nang hiling ng mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad na matuloy ang naudlot nilang honeymoon sa Europe.
“Super late honeymoon” daw kung tawagin ang honeymoon nila dahil kinasal ang dalawa sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong March 2021. Ipinanganak naman ni Sam ang baby girl nilang si Mia Aya noong September 2021.
Dahil maluwag na at hindi na masyadong strict ang health protocols sa pag-travel ngayon, sinamantala na ng mag-asawa na ituloy na ang kanilang naudlot na honeymoon.
Ilang bansa na pinuntahan nila sa Europe ay sa Greece, Italy, the Netherlands, and Czech Republic.
Sa Santorini, Greece ay hindi napigilan si Sam na ilantad ang ipakita ang kanyang sexy na katawan suot ang black bikini. Makikita ngang blonde ang buhok ng dating model-actress.
“Peace out, Europe! You were good to us,” caption ni Sam sa kanyang post sa IG.
Ken, maraming gagawing pelikula
Puwede nang ilagay ni Ken Chan sa kanyang resume ang pagiging isang producer dahil sa kauna-unahang pelikula na siya ay co-producer na Papa Mascot.
Proud ang Kapuso leading man dahil na-experience na niyang mag-produce at maging bahagi ng production team ng kanilang kauna-unahang proyekto.
“Unang-una po sa lahat this is my first project na co-producer po ako and I am just so proud to say na pinasok po namin ang venture na ‘to bilang pagiging producer. This is our first project at proud na proud po akong sabihin na I am part of this project not just an actor but as a co-producer,” sey ni Ken.
Marami raw naka-line up si Ken na projects na kanyang ipo-produce. Gusto raw niya ay iba’t ibang tema ang mga pelikulang gagawin ng kanyang team.
“As a co-producer, may mga pagkakataon po na nakakapagbigay po kami ng mga creative juices po namin, pinagsasama po namin kung ano pa ‘yung mga material na gusto naming gawin also with Direk Louie Ignacio, kung ano pa ‘yung mga kuwento na gusto naming ipakita sa mga viewers. Maraming mga plano, romantic comedies, horror, action, drama, family, about love at abangan niyo po ‘yun.”
Michelle Yeoh, dinala sa puntod ng tatay ang Oscar trophy
Tinupad ng Academy Award Best Actress Michelle Yeoh ang kanyang pangako na iuuwi niya ang kanyang Oscar trophy sa kanyang bansa na Malaysia.
Si Michelle ang kauna-unahang Asian actress na manalo ng best actress sa nakaraang 95th Academy Awards para sa pelikulang Everything Everywhere All at Once.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Yeoh na regalo niya ang kanyang Oscar sa kanyang 85-year-old mother na nasa Malaysia. Ang ina kasi ng aktres ang siyang nag-push sa kanya sa iba’t ibang oportunidad ng buhay. Na hindi lang siya basta babae kundi isang babae na gagawa ng pagbabago sa buong mundo.
Kelan lang ay nakauwi si Michelle sa Malaysia at pinost niya sa kanyang Instagram ang pag-alay niya ng Oscar trophy sa kanyang ina.
“Brought Mr. O home…. Without my parents love and trust and support… I wouldn’t be here today… love so much,” caption pa niya sa IG.
Sa isang separate post, makikitang dinala rin ni Michelle ang kanyang Oscar trophy sa puntod ng kanyang yumaong ama.