Pagkatapos ng masaklap na kapalaran sa Miss U...Celeste, nag-aaral mag-Tagalog para makapag-showbiz!
Hindi itinago ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang lungkot na naramdaman niya noong mabigo siyang sa nakaraang Miss Universe pageant.
Hindi nakapasok si Celeste sa Top 16 na siyang nagtapos sa 12-year streak ng Pilipinas sa pagpasok sa semi-final round ng naturang pageant.
Marami kasing pageant fans ang umasa na pasok agad si Celeste dahil sa pinakita niyang performance sa iba’t ibang kategorya ng pageant.
Kung hindi raw dahil sa kanyang pamilya, mga kaibigan at sa mga Filipino fans na sinuportahan siya sa Louisiana, baka raw hindi niya agad nalampasan ang pagkabigo sa Miss Universe.
“I have friends and family very close to me. Especially after the coronation night, sobrang hirap para sa akin, but I had my family there, so I was okay. I went through a very difficult time, the weeks to follow. But I know in my heart that the respect, the love and support that I gained from the Filipino fans is more valuable than the Miss Universe crown. And I really, really know na ginawa ko ang lahat para sa bansa. So I’m happy,” sey ni Celeste.
Malaking tulong din ang ina ni Celeste na dinamayan siya sa kabiguang makuha ang Miss Universe crown.
“Of course she was a little bit disappointed and sad. But she was able to comfort me. I spent the night with my mom at the hotel. Me as a daughter, all I wanted is to make her proud. But then she was really telling me ‘You make me very proud. This is not your fault. You did everything and no matter what, I’m very excited on what’s to come after.’”
Ready na raw si Celeste na subukan naman ang suwerte niya sa showbiz. Kailangan lang daw niyang mahasa sa pagsalita ng Tagalog: “I’m open. I really want to study, that’s why I’m learning how to speak Tagalog. Nag-aaral ako, so let’s see.”
Robi, hindi lang kasal ang iniisip
Naghahanda na raw si Robi Domingo para sa magiging wedding nila ng kanyang fiancee na si Maiqui Pineda.
Ibinahagi ni Robi na maliban sa kasal ay naghahanda na rin sila ni Maiqui sa buhay na pagsasamahan nila bilang mag-asawa.
“Right now, safe to say na may mga hakbang na ginagawa na kami para maayos ‘yung lugar, ‘yung reception. Hindi lang ‘yung kasal ang iniisip namin pero ‘yung what happens after, kung saan na kami titira. Masaya ‘yung feeling na oh makakasama mo, ‘yung ang sarap na kasama every single day habambuhay. Sobra akong in love,” sey ni Robi,
Samantala, naging emosyonal naman si Robi nang alalahanin ang tulong ng kanyang mga magulang sa pagtupad ng kanyang pangarap.
“Ang sarap ng pakiramdam na inalagaan akong mabuti ng mga magulang ko, tapos sila ‘yung nag-push sa akin sa ‘PBB.’ Tapos nalaman ko na lang ‘yung kuwento na ayaw pala ni Papa pumasok sa ‘PBB’. Kasi nung audition namin kailangan kasama ‘yung magulang, ayaw niyang pumasok. Kasi hindi ba ‘yung practice niya magsa-suffer, ‘yung mga residente niya pagtatawanan daw siya na ‘ano ba yan si Doc Boy showbiz..’ Tapos tinanong niya ang boss niya. Ano ba ang importante sa iyo trabaho o pamilya? Sabi niya ‘pamilya, yung anak ko, kaya papasok ako.’ Kaya na-touch ako roon sa tatay ko.
“And si Mama naman always nandiyan. Hanggang ngayon siya ‘yung sumasama sa amin sa occular sa kasal, siya ‘yung nag-aasikaso ng kasal, ‘yung singsing siya ang bumili. So malaking bahagi sila ng buhay ko talaga na kung paano ko ipinaparinig ang boses ko ay dahil sa binigyan nila ako ng boses,” sey ni Robi.
Selena pahinga ulit sa social media
Magpapahinga raw ulit sa social media ang singer-actress na si Selena Gomez.
Sa pamamagitan ng TikTok Live, pinaabot ng Only Murders In The Building star na kailangan niyang magkaroon ng break sa social media.
“I’m good. I love the way I am, I don’t care. I’m big, I’m not, I don’t care. I love who I am. And yeah, I’m going to be taking a second from social media, because this is a little silly. I’m 30 and am too old for this. But I love you so much and I’ll see you guys sooner than later. I’m just gonna take a break from everything.”
Kamakailan ay naging biktima si Selena ng body-shaming. Pinaliwanag naman niya na kaya siya nag-gain ng weight ay dahil sa mga gamot na iniinom para sa sakit niya na lupus.
“When I’m taking it, I tend to hold a lot of water weight, and that happens very normally. When I’m off of it, I tend to lose weight. I just wanted to say and encourage anyone out there who feels any sort of shame for exactly what they’re going through, and no one knows the real story. I just want people to know that you’re beautiful, and you’re wonderful. Yeah, we have days where maybe we feel like sh*t, but I would rather be healthy and take care of myself. My medications are important, and I believe that they’re what helps me.”
- Latest