^

Pang Movies

Bubog niya ‘yun...Mikee, ‘di interesado sa pulitika!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bubog niya �yun...Mikee, �di interesado sa pulitika!           
Paul at Mikee

Full support si Mikee Quintos sa plano ng kanyang boyfriend na si Paul Salas na pasukin ang politics.
May politicians din kasi sa pamilya ni Mikee. ‘Yung parents niya ay mga dating nahalal na konsehal ng Maynila.
Sey ni  Mikee: “Paul is into it. Gusto niyang tumakbo someday. Pangarap niya ‘yan someday. Medyo dini-discourage ko siya minsan dahil alam ko ‘yung stress nu’n. Pero bakit ko naman siya pipigilan? If his heart really wants to help people, andito din naman ako to support that.”
Pinagdaanan na raw kasi niya ang mangampanya para sa kanyang mga magulang noon. Lalo raw noong naging artista siya, hinahanap daw siya ng mga supporter ng parents niya. May pagkakataon daw na inaayawan niya ang sumama sa kampanya.
“Isa ‘yun sa mga mabigat kong bubog, drama ko ‘yun sa magulang ko. Until I realized na nitong huling eleksyon na ‘yung ate ko na ang tatakbo, na imbes na i-hate ko siya, I should see it as a blessing na ako ‘yung kinukulit.”
Kung siya raw ang tatanungin kung papasok din ba siya ng politics? Ang sagot niya ay: “Parang hindi po para sa akin eh. Hindi ko nafi-feel na... Mas nag-e-enjoy po ako sa acting. Andito ako to help and to support my family. Pero kung ako mismo ‘yung nakaupo, hindi na. Hindi ko nakikita na ako ‘yung nakaupo. Nafi-feel ko naman ‘yung tulong na nagagawa ko naman ng ganito na hindi ako ‘yung nasa posisyon. Happy lang po ako dito.”

Mikael at Megan, kuntento sa mga anak na aso!

Nag-celebrate ng kanilang 3rd wedding anniversary ang mag-asawang Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young. Kinasal ang dalawa noong Jan. 25, 2020.
Sa kanilang YouTube channel, nag-post sila ng isang nostalgic compilation video.
Sa Instagram ni Megan, binalikan niya ang 12-year relationship nila ni Mikael sa pamamagitan ng sweet photos nilang dalawa. Caption pa niya: “3 years married and a total of 12 years by your side #BonezFofoForever.”
Walang big party sa anniversary nila. Sa bahay lang daw sila ay nanonood sila ng pelikulang Everything Everywhere All At Once ni Michelle Yeoh habang kumakain ng Korean snack bibimbap kasama ang kanilang furbabies.
Si Mikael naman ay nag-post sa kanyang Instagram ng mga never-before-seen moments sa wedding reception.
Sey ni Mikael: “I’d love to elaborate on the inside scoop of these photos/videos but I think I’d need a podcast to explain everything LOL. On that note, comment below if you also don’t remember most of your wedding reception as well.”
Hinahanapan na ng kanilang followers sa social media ng anak ang dalawa. Pero mukhang wala pa sa plano nila ang magkaroon ng baby at mukhang happy sila sa kanilang furbabies.

American comedian-TV host, naaksidente sa motor

Muling naaksidente ang American comedian-TV host na si Jay Leno.
Pagkatapos niyang maka-recover sa second-degree burn sa kanyang katawan at mukha last year, naaksidente naman ito dahil sa isang motorcycle crash noong nakaraang Jan. 17.
Sey ng 72-year old comedian: “Just last week, I got knocked off my motorcycle. So I’ve got a broken collarbone. I’ve got two broken ribs. I’ve got two cracked kneecaps. But I’m okay! I’m okay, I’m wor­king. I’m working this weekend.”
Ayon pa kay Leno, tine-test drive niya ang vintage 1940 Indian motorcycle niya nang maamoy ang lea­king gas nito.

Naging tahimik na lang daw siya sa aksidente niya dahil ayaw niyang pagpiyestahan ng media ito tulad sa nangyari noong masunog ang mukha niya.

vuukle comment

MIKEE QUINTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with