Trending si Bamboo sa Twitter at sa comments, ika-cancel daw siya ng Kakampink na supporters ni Leni Robredo. Dahil ito sa isa siya sa three major artists na performers sa gaganaping Tingog ng Pasasalamat Concert na organized ni Speaker of the House of Representatives Martin Romualdez.
Makakasama niya sa series of concerts na gagawin sa Cebu, Tagum, Quezo City at Tacloban City sina Karla Estrada at Andrew E. Kasama rin ang Plethora Band at ILT Band. Pero, si Bamboo lang ang ipinananawagang i-cancel. Kilala raw maka-Marcos at Duterte sina Karla at Andrew, at ang alam nila kay Bamboo, Kakampink. Kaya nagulat ang supporters ni Leni na kasama siya sa pa-concert ni Martin.
Tinawag na “enabler” at may mga nagpahayag ng disappointment at ika-cancel daw nila. Mabuti na lang at mas marami ang nakaintindi sa buhay ng mga musikero. Ipinaalala nila sa magka-cancel kay Bamboo na matagal nang tapos ang election at nagtatrabaho lang ang mga kagaya niya at dapat wala nang political color lalo na sa entertainment.
Sa kababasa ng comments, may nagsabi naman na half sister ni Bamboo si Dawn Zulueta. Matagal nang naging isyu ito at matagal na ring itinanggi ni Dawn na magkapatid sila.
Direk Paul, nakatikim ulit ng panglilibak
Grabe ang hatred ng ibang tao kay Director Paul Soriano na nag-post lang ng photo nila ng asawang si Toni Gonzaga kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos. Sabi lang naman ni Direk Paul, “Always a fun time catching up with our First Lady @lizamarcos.”
May mga comment na kawawa raw ang anak nila dahil sila ang mga magulang. Pati bata idinamay talaga. May comment pa na patanong kung nag-thank you na ba sila ni Toni dahil bumili ng maraming tiket si FL Liz sa concert nito? May nagtanong naman kung kailangan pa bang i-post ang picture nilang tatlo, alam naman daw na close sila sa First Family.
May nagpayo pa sa direktor na basahin ang comments sa kanyang post para malaman niya ang reaction at pulso ng bayan. May galit pang sinabing First Lady lang nila ni Toni si FL Liza at hindi ng majority ng Filipinos.
Wala kaming nabasang positive comments sa post na ‘yun, in fairness, hindi niya dine-delete kaya nababasa ng mga bumibisita sa Twitter account niya. Wala rin namang mababago sa pamba-bash sa kanila dahil nasabi na nila na hindi nila pinapansin at ‘di yata binabasa.