Sarah, bibirit ulit sa ASAP!

MANILA, Philippines — Talagang todo-bigay ang pagsalubong sa inyong November weekend, tampok muli ang iba’t ibang world-class performances mula sa Kapamilya stars ngayong Linggo (Nobyembre 6) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bilang pagdiriwang sa kanyang birth month at sa papalapit niyang 60th showbiz anniversary, bibigyang-pugay sa ASAP stage ang nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos, tampok ang bigating musical tribute mula kina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama sina Angeline Quinto, KZ, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Khimo Gumatay, JM Yosures, Lara Maigue, Jolina Magdangal, Sheena Belarmino, Elha Nympha, Jason Dy, at Bituin Escalante pati ang premyadong musikero na si Homer Flores.

Tuluy-tuloy lang ang selebrasyon sa pa-birthday blowout ni Moira dela Torre, habang kaabang-abang din ang dream collab nina Regine at BGYO.

Samantala, bibirit ulit ngayong Linggo ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, tampok ang kanyang bagong hit single sa  Sarah G Presents.

 Makihataw rin sa bonggang dance hits bonanza nina Maymay Entrata, AC Bonifacio, Charlie Dizon, Chie Filomeno, Karina Bautista, Krystal Brimner, Vivoree, Kyle Echarri, Nyoy Volante, Jeremy G, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, at ang buong ASAP Natin ‘To family kasama si Robi Domingo.

Show comments