Kaloka na nabalik na naman ang addiction ko sa Koreanovela dahil walang happenings sa showbiz.
Sa dialysis at bahay lang ako kaya nakaka-bore.
Buti na lang at magkakaruon ng birthday presscon si Bong Revilla at si Rhea Tan ng Beautederm para kay Piolo Pascual this week.
At least may face-to-face encounter kahit paano.
Naku, dapat talaga maging very festive na ang lahat dahil September na at malapit na ang Pasko, time for all to be merry.
Pagkain sa cafe nila Ka Tunying, saktong comfort food
Pinaka-comfort food ko sa lahat iyon sopas at champorado ng Ka Tunying’s Cafe.
Ang sarap talaga ng recipe ni Rossel Taberna kaya naman pag natikman mo talagang hahanap-hanapin mo lagi.
Salamat na lang at madaling puntahan ang kanilang branch sa Visayas Ave. kaya madaling pumunta si Gorgy Rula para bumili pag nag-crave ako at naglambing sa kanya na buy niya ako.
Gusto naman ni Rossel Taberna na lagi akong padalhan pero dapat business is business.
Hindi dapat samantalahin ang kabaitan ng mag-asawang Anthony at Rossel.
Gusto kong makita na dumami ang branch ng Ka Tunying para mas maraming makakain ng masasarap na food nito.
Maniwala kayo, food sa Ka Tunying’s is life, enjoy it. Lalo pa nga at mabait ang mga owner nito.