It’s never too late for actor-comedian Smokey Manaloto (51) na maging ganap na isang ama dahil nung nakaraang Aug. 4, 2022 ay isinilang ang kanyang first baby (boy) courtesy of his non-showbiz partner na ayaw pa niyang pangalanan.
Sa pamamagitan ng kanyang TikTok account ay ibinahagi ni Smokey ang kanyang bagong silang na baby boy na hindi pa rin niya sini-share ang pangalan.
Ang buong akala ng marami ay magpapakatandang binata na lamang si Smokey pero naging tahimik lamang ito pagdating sa kanyang personal na buhay.
Si Smokey ay napapanood sa primetime TV series na 2 Good 2 Be True na tinatampukan ng real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Masaya naman para kay Smokey ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya dahil sa wakas ay isa na rin siyang ganap na ama.
4 na kilalang personalidad, sunud-sunod ang paglisan!
Nakakalungkot isipin na apat na mga kilalang personalidad ang magkakasunod na sumakabilang-buhay sa loob lamang ng isang linggo ng sinimulan ng award-winning actress at singer na si Cherie Gil nung Aug. 5, 2020.
Si Cherie ay yumao dahil sa sakit na kanser at age 57 sa New York City, USA kung saan naka-base ang kanyang tatlong anak na sina Jay, Bianca at Raphael maging ang kanyang ex-husband, ang international renowned Israeli violinist na si Rony Rogoff.
On same day ng pagkamatay ni Cherie ay lumisan din ang kilalang Japanese international fashion designer (clothing and fragrances) na si Issey Miyake dahil sa liver cancer. He was 84.
At nung nakaraang Aug. 8, ay sumuko naman sa breast cancer ang popular British-Australian singer-actress and entrepreneur na si Olivia Newton-John sa kanilang tahanan sa Southern California, USA. She was 73.
Si Olivia ang nagpasikat ng hit songs na Physical, Hopelessly Devoted To You, I Honestly Love You, Summer Nights at You’re The One That I Want (a duet with her Grease movie partner na si John Travolta) at marami pang iba.
Nitong nakaraang Miyerkules, Aug. 10, ay yumao rin ang bemedaled at Asia’s fastest runner na si Lydia de Vega dahil din sa sakit na breast cancer. She was 57.
Nung nakaraang buwan (July) ay ibinahagi sa kanyang Instagram ng isa sa mga anak ni Lydia na naoperahan sa brain ang kanyang ina at nasa critical condition umano ito hanggang sa ito’y bumigay sa kanyang almost four-year battle with cancer na na-diagnose in 2018.
Unang na-devastate si Lydia sa maagang pagpanaw ng isa kanyang tatlong anak in February 2001 na si John Michael dahil sa car accident. At that time ay four years old pa lamang ang bata. Ang isa naman niyang anak na si Stephanie ay naging player ng volleyball ng De La Salle University’s Lady Spikers.
Iniwan ni Lydia ang kanyang mister na si Paolo Mercado at dalawang anak.