Bianca, itinangging iba na ang pinaglalaban!

Bianca Gonzalez.
Instagram/iamsuperbianca

Kaagad nilinaw ni Bianca Gonzalez na hindi siya lumipat sa side ni Pres. Bongbong Marcos tulad nang akala ng ibang netizens.

Isa kasi si Bianca sa pumuri sa speech ni PBBM sa State of the Nation Address (SONA) na ginanap last Monday.

“That was a good SONA for PBBM. Here’s hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan,” tweet ni Bianca.

Marami ang nag-react at nalito sa kanyang tweet especially ang mga tulad niyang sumuporta kay dating Vice President Leni Robredo nitong nakaraang eleksyon.

May netizen na nagpaalala kay Bianca ng mga issue sa mga Marcoses noon pa at sey pa nito, binabasa lang daw ni PBBM ang speech nito.

Sinagot ito ni Bianca at nilinaw na hindi naman mababago ang kanyang panininigan ng isang speech lang.

“Good morning, Sir! Exactly what you said, it’s only a speech, and speech lang ang “good” na sinabi ko. The admin has yet to put in the work to deliver. Hindi nag-iba ang paninindigan ko dahil lang sa isang speech. #NeverForget pa rin ang stand ko, kailangan managot sa mga nagawa,” sagot ni Bianca.

Tweet pa niya, “I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan.”

Sagot naman ng isang netizen, “Good to know Ms. Bianca that you drew the line & that you’re still supporting the good governance that Ma’am Leni is standing for. Need maging klaro, bec there are people who look up to you & might misinterpret your previous tweet. Specially those who are still ‘persuadables’.”

Sinagot ito ni Bianca at muling klinaro na hindi siya lumipat sa kabilang side.

“Hindi ako nag ‘change sides’ at hindi naiba ang paninindigan ko dahil sa isang speech,” pahayag niya pa.

Oyo Boy, naaksidente sa biseklita

Ibinunyag ni Oyo Sotto sa kanyang Instagram page na naaksidente siya sa bike noong nakaraang linggo at kinailangang sumailalim sa operasyon.

Sa naturang post ay nagpapasalamat na ang aktor na tapos na ang surgery.

“God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this. Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you!,” pahayag ni Oyo.

At siyempre, hindi rin niya nalimutang pasalamatan ang asawang si Kristine Hermosa sa pag-aalaga sa kanya, gayundin sa kanyang mga doktor.

“To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga

“To my doctors, maraming salamat sa inyo. Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times,” aniya.

Show comments