Nakaka-upset ‘pag nakakabasa ka ng news na tulad ng kay Cong. Nonoy Andaya. Gaya rin ng nabasa natin noon ‘yung kay Jomar Ang. You feel upset and sad, dahil totoo nga siguro na loneliness is the worst illness of all. ‘Yung sa gitna ng ingay sa paligid mo, you feel alone.
How sad na hindi mo ma-overcome ‘yung loneliness na iyon para gustuhin mo na mawala na lang, huwag nang lumaban.
Sobra nga siguro na marating mo ang lowest point sa buhay mo samantalang nandiyan sa paligid mo ang pamilya at mga kaibigan mo.
Hindi natin alam, iba-iba kasi pagtanggap natin sa mga pangyayari sa buhay natin, sa mga problema o kahit sa natatanggap natin pagmamahal.
Baka nga hindi pa sapat ang ibinibigay na love sa iyo kaya you feel so low, hindi pa sapat ‘yung suporta kaya nawawala ang motivation mo. Ewan natin, misteryo talaga ang buhay.
Mga bagay na tatanggapin na lang natin, huwag na nating guluhin pa ang isip natin.
Ipagdasal na lang natin sila na sana nga matagpuan nila ang happiness sa pupuntahan nila.
Mga nagkakaedad, iba na ang takbo ng katawan
Alam n’yo ba na parang ang pinakahindi ko gustong marating ko, 75 years ko. Talaga palang magkakaroon ng changes sa iyo, physically, mentally at emotionally ‘yung pagdating mo sa 70s.
Kahit paano, medyo malilimutin ka na, hindi ka na masyadong sharp. Meron ka nang mood swings at madalas ka mairita. Physically, talagang medyo masakit na ang muscles mo, kung minsan ’yung joints mo, at medyo tamad ka na. ‘Yung marami ka nang napapansin na dati naman hindi mo nararamdaman.
I hate this dahil para bang siguro nga hindi ako sanay sa discomforts kaya naiinis ako. If I grasp for breathe para bang bakit ganun, madali kang hingalin wala ka naman ginagawang mabigat? ‘Pag sumakit ang muscles ko, para bang ano ba ito, napaka-uncomfortable. Para akong complaining old woman na ang dami ng problema, eh dala lang naman siguro iyon na tumanda na ako at siyempre iba na ang katawan ko.
Talagang when you grow old, iba na lahat ang takbo ng katawan mo. Kaya nga dapat talaga handa ka financially sa ganitong sitwasyon.