Dumaraan pala ngayon si Miss Eco International first runner-up Kelley Day sa matinding mental health problems kaya hindi raw nakakatulong sa kanya ang pumatol parati sa bashers niya sa social media.
Kasalukuyan daw na tumatanggap si Kelley ng professional help para sa kanyang pinagdadaanan ngayon na mental illness. “In the midst of my attacks, I was afraid to seek professional help and medication, but with amazing support from fam and friends, I eventually did. Easier said than done.
“It’s scary and traumatic, but I’m grateful now to be on the road to recovery. I’ve been experiencing an accumulation of tough times/events recently, which had eventually triggered me.
“I don’t often post deep/personal stuff publicly. this is a little out of my comfort zone, but i think it’s worth the discomfort if this message can help someone. I love all the people that helped me get through the toughest part. and i pray for strength and support, for those who have yet to overcome it,” post ni Kelley sa kanyang Instagram account.
Isa raw sa naging dahilan ng anxiety ni Kelley ay noong maakusahan siya ng netizens na kabit daw ni Tom Rodriguez na naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Carla Abellana.
Pinabulaanan na ni Tom ang tungkol sa kanila ni Kelley, pero patuloy pa rin daw na tinatawag na kabit ang former beauty queen.
Klea at Andre, naudlot ang relasyon
Inamin ng Kapuso star na si Klea Pineda na naging extra close sila noon ng aktor na si Andre Paras.
Nangyari raw ito noong nagkasama sila sa teleserye na Sirkus noong 2018.
Nang tanunging si Klea kung anong klaseng closeness ang naganap sa kanila ni Andre, sagot lang niya ay: “Wala nang explanation. Hindi na ‘ko magpapaliwanag.”
Pero dahil sa pangungulit kay Klea, sinabi nito na naging maganda ang friendship nila ni Andre. Marami raw silang napagkakasunduan and they have many things in common.
Ni-reveal din ni Klea na muntik na maging sila ni Andre, pero bigla raw natigil ang lahat. “Nang napupunta na kami somewhere... na ‘yung feelings namin sa isa’t isa, nag-pause kami bigla eh,” sey ni Klea.
May nagsabi na hindi pa raw ready noon mag-commit sa isang serious relationship si Klea kaya mas gusto na lang niya na friends na lang muna sila ni Andre.
DC actor, limang taon bago naka-recover sa mental health
Naging open ang aktor na si Zachary Levi tungkol sa mga pinagdaanan niyang mental health struggles sa kanyang book titled Radical Love.
Nilalaman ng libro ang naging struggle ng bida ng DC Film na Shazam sa pagkakaroon ng anxiety, depression, suicidal thoughts, and childhood trauma.
Unti-unti raw naka-recover si Levi sa kanyang mental health kahit na inabot ito ng limang taon: “I am still learning and growing and practicing grace.”
Kasalukuyang abala si Levi sa dalawang malalaking pelikula. Una ay ang reboot ng Spy Kids kung saan kasama niya ang Jane The Virgin star Gina Rodriguez. Ang ikalawa ay ang Shazam 2 na co-stars niya sina Helen Mirren and Lucy Liu.