Bunny, nasolusyunan ang tinakasang responsibilidad ni Dj Mo!  

Matagal na naming alam ang naging problema ng dating aktres na si Bunny Paras sa kanyang anak na si Moira, sa naging boyfriend niya noon na si Mohan Gumatay, alyas DJ Mo.

Mahina ang bata at hindi matukoy kung ano nga ba ang sakit noon, na lagi siyang walang balance at hindi halos makalakad. Manhid din ang kanyang mga paa.

Natatandaan pa namin ang isang pangyayari noon na nagpunta si Bunny sa bahay ni DJ Mo sa US, para humingi ng tulong para sa kanilang anak, pero hindi man lang siya hinarap ng DJ.

Ang natatandaan din namin, ang tumutulong sa kanya noon sa gastusin sa pagpapagamot sa kanyang anak, dahil hindi sapat ang kanyang kinikita, ay ang kanyang kapatid na si Sharmaine Arnaiz na noon ay talaga namang aktibo sa kanyang career.

Nang malaunan, nakapag-asawa rin naman nang legal si Bunny, in-adopt ng kanyang asawa legally si Moira, at iyon na ang nagpagamot sa bata.

Nalaman nila na iyon pala ay isang kaso ng Freidereich’s ataxia, isang sakit na namamana sa mga magulang.

Tinapat din sila na iyon ay irreversible, at darating ang isang araw na talagang hindi na makakalakad si Moira. Ganoon nga ang nangyari, bago pa man siya nag-debut, siya ay naka-wheelchair na lamang. Mabuti naman at sa kabila ng karamdaman, naipagpatuloy ni Moira ang kanyang pag-aaral hanggang kolehiyo.

Ngayon sa kabila ng kanyang kapansanan, nagtatrabaho si Moira bilang front desk officer sa isang hotel sa Disneyland sa Florida.

Ang nakatawag sa aming pansin ay ang paniniwala ni Bunny na nagkaroon man siya ng mabigat na problema sa kanyang anak, pinagkalooban naman siya ng Diyos ng kalutasan sa mga problemang iyon.

Binigyan din siya ng isang responsableng asawa, na naging mabuting adoptive father din naman ni Moira, na nag-iisip at naghahanda hanggang sa kinabukasan noong bata.

Talagang kung may problema, may solusyon din naman ang Diyos.

Julia at Coco, noon pa iniintriga ang ‘kasal’

Napansin na naman ng netizens ang suot na wedding ring ni Julia Montes, kaya naniniwala silang ayaw mang umamin, siya ay “Mrs. Nacianceno” na. Pinansin din nila na tinatakpan niya ng throwpillow ang kanyang tiyan sa picture kaya sinasabi nilang “baka buntis.”

Nabalita na ring nabuntis at nanganak si Julia matapos siyang magbakasyon nang mahigit isang taon. Pagkatapos nga noon, pinansin din na lagi silang magkasama ni Coco Martin saan man sila magpunta.

Ang inaasahan nila noon, aaminin na ng dalawa ang kanilang relasyon pati na ang tsismis na mayroon na silang anak.

Pero wala naman silang inaamin.

Hindi namin alam kung bakit hindi maalis sa isipan ng publiko ang mga paniniwalang iyan. May iba ba silang batayan?

Iyong mga nanindigan noon na totoo ang tsismis nangawala nang lahat. Iyong isa tuluyang nawalan ng career, dahil sa iba namang kaso.

Kailan nga ba sila magbibigay ng official statement sa mga bagay na iyan kung totoo man o hindi?

Pamilyadong aktor, biglang yaman dahil sa bakla

Biglang yaman daw ngayon ang isang male star, “courtesy of a rich gay realtor.” Nagkakasundo naman daw sila. May asawa at mga anak na ang male star, “pero hindi siya kagaya noong isa pa na bukod sa isa, may isang damukal pang mga syotang bading din kaya napapalayas sa bahay at nababawian ng kotse.”

Si male star ay kuntento na sa malawak na lupa in the south na kanyang dine-develop.

Show comments