Iwa, sinita si Jodi sa pagiging kakampink
Wala pang reaction si Jodi Sta. Maria sa naging pahayag ni Iwa Moto tungkol sa pagiging open niya sa pagsuporta kay VP Leni Robredo. Nag-post kasi sa IG story si Jodi ng all pink at sinundan ng post na “Papunta palang tayo sa exciting part.”
Sa kanyang pa- “Ask me anything” sa IG story, may nagtanong kay Iwa kung ano ang masasabi niya na Leni-Kiko si Jodi?
“Hmmmm not that surprised... coz we talked about it before. She said she’s still undecided that time. Of course i will respect her decision. Kahit naman iba iboto nya di naman mababago na pamilya kami. At mahal namin at nirerespeto ang isat isa. Siyempre may sarili kaming utak at iba iba kami ng opinyon.
Was just hoping na d nalang sya nag announce hihi. Siyempre father in law namin yung kalaban na candidate lol hahaha.”
May mga nag-react sa post na ‘yun ni Iwa, tinanong ng netizen kung pinakasalan ba siya ni Pampi Lacson para mag-react siya sa choice ni Jodi. Comment naman ng isa pang netizen, sana rin hindi na lang nag-react si Iwa sa gustong suportahan ni Jodi para walang isyu at walang usapan. Saka, hindi na raw biyenan ni Jodi si Sen. Ping Lacson, kaya libre itong iboto kung sino ang gusto.
Mariz Ricketts, 12 years namahinga sa showbiz
Twelve years din palang wala sa showbiz si Mariz Ricketts, and after 12 years, balik-acting siya sa bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na Apoy sa Langit na premiere sa Monday, May 2, 2:30 p.m., after Eat Bulaga.
Sabi ni Mariz sa mediacon ng Apoy sa Langit, may mga nauna ng offer sa kanya, hindi lang natutuloy sa iba’t ibang dahilan.
“This time, I was ready, my family was ready, Ronnie (Ricketts, her husband is ready). Malalaki na at may trabaho na ang mga anak namin, so tinanggap ko ito. Nag-enjoy ako sa lock-in taping at nakakita ako ng second family dito. This is a blessing, supportive ang lahat at warm ang pag-welcome ng cast sa akin at si direk Laurice (Guillen) pa ang director,” pahayag ni Mariz.
Isa pang ikinatuwa ni Mariz sa project, nakatrabaho niya uli si Maricel Laxa na matagal niyang nakasama sa GMA Supershow ni German Moreno. Nag-bonding uli sila rito at may time silang mag-bonding dahil marami silang eksena na magkasama.
Andrea, wala sa script ang pag-endorso ng kandidato
Wala pala sa script ang subtle na pag-eendorso ni Andrea Brillantes kay VP Leni Robredo sa concert ng Calista na Vax To Normal na ginanap noong Martes sa Smart Araneta Coliseum. After her performance, binanggit ni Andrea kung pink ang kulay ng kanyang costume, “alam n’yo na kung bakit?” tanong nito sa audience.
Bago bumama sa stage, nag-hand sign pa si Andrea na hand sign ni VP Leni. Kaya hindi naiwasang tanungin si director Nico Faustino kung nasa script ang spiel ni Andrea?
Sabi ni direk Nico, wala ‘yun sa script, “Nagulat din ako sa ginawa ni Andrea, wala sa script to promote her politics. But it’s fine, okay lang ‘yun,” sagot ni direk Nico.
Wala rin namang supporter ni Bongbong Marcos na nag-react, kaya okay lang ang ginawa ni Andrea. Tanong lang ng press kung naging successful na si Andrea na kumbinsihin ang boyfriend nitong si Ricci Rivero na si VP Leni na ang suportahan at hindi si BBM.
- Latest