Kelley, delayed na ang reaction!

Delayed reaction naman yata ang inilabas ni Kelley Day. Si Kelley ang natsimis na third party sa hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nabuntis nga umano siya ni Tom, huh!

Pinabulaanan ni Kelley ang lahat ng tsismis sa bintang na third party siya sa hiwalayan at buntis siya!

Sa interview kay Kelley sa The Boobay and Tekla Show, tahasan niyang itinanggi na buntis siya at karelasyon si Tom.

“Hindi kami close ni Tom. Nagkasama lang kami sa trabaho,” bahagi ng denial ni Kelley.

Eh kahit magdenay si Kelly, hindi pa rin case closed ang Tom-Car breakup hanggang hindi sila nagsasalita, ‘no? 

Show comments