^

Pang Movies

Baguhang bold actor, noon pa matapang sa hubaran  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Naka-date na iyan ng isang friend ko bago pa man naging artista,hindi naman daw totoo iyong mga sinasabi niyan at ipinagmamalaki sa mga ginagawa niyang bold movies ngayon,” ang tsismis sa amin ng isang lalaking Marites.

Ang tinutukoy ay ang isang “papasikat” na male star na ipinagmamalaki ang tapang ng kanyang loob na maghubad at magpakita kahit ng kanyang private parts sa ginagawa niyang mga “soft porn.”

Bago naman daw pala nakuhang artista iyan ay kung sinu-sino na ang kanyang mga naka-date, na karamihan ay gays, na siyang nagtsitsismis pa sa kanya ngayon.

Kasikatan ng mga artista, naapektuhan ng kanilang mga vlog

Dismayado si Vice Ganda na sinasabi niyang “fake news” at “fake memes” sa social media. Tinukoy niya ang Tiktok kung saan may lumabas pa diumanong video kung saan galit na galit siya kay Toni Gonzaga. Sinabi niyang hindi totoo iyon at wala siyang pakialam sa political choices ng mga kapwa niya artista. Sinabi pa niyang ang mga artista ay pinag-aaway ng mga gumagawa ng ganyan.

Hindi iyan isang simpleng fake news. Kung may video, masasabing manipulation ng isang may nalalaman technically sa video editing. Totoong video editor iyan at kung professional nga, saan maaaring manggaling ang ganyang tao na “pinag-aaway ang mga artista”? Sino ba ang magkakaroon ng interests na pag-awayin sila para makalikha ng ingay at maaaring magtamo rin ng political interests nila?

Ang mga artista kasi, sabay-sabay na nagtalunan sa social media. Kasi ang sinasabi nila, mailalabas nila kung ano talaga ang nasa loob nila, hindi gaya ng nagpapa-interview pa sila sa reporters gaya noong araw na ang sinasabi nila ay “nababawasan o nadadagdagan.” Iyong nadadagdagan hindi namin alam. Iyong nababawasan oo, dahil may sinusunod na panuntunan ang lehitimong media. Hindi puwede iyong nakakasira ka nang walang dahilan, kaya kung matindi ang sinabi at sa tingin mo ay wala sa katuwiran, inaalis na talaga iyon.

Nagtalunan sila sa social media dahil uupo lang sila sa isang sulok ng kanilang bahay, io-on ang camera ng kanilang cell phones at live na sila. Hindi na sila kailangang magpunta sa studio o maghintay pang dumating ang television crew. Pero dahil doon, ang mga sablay na nasasabi nila ay lumalabas din, at kadalasan ipinapahamak pa sila. Hindi nila naiisip ang image nila, minsan mali ang nasasabi nila.

“Eh ano, iyon ako talaga eh,” madalas na maririnig mo.

Pero dahil naninibago nga ang fans na kung minsan ang nakikita nilang inilalabas ng mga artista ay malayo sa kanilang kilalang image ng mga iyon, nababawasan ang kanilang paghanga, apektado ang kanilang popularidad.

ARTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with