Neil at Direk Darryl, may talakan ala-marites!
Hala! Nagsasagutan sa Facebook sina director Darryl Yap at Neil Arce dahil sa Kape Chronicles na sinulat at directed ni Darryl na tampok si Sen. Imee Marcos.
Ang nakakatuwa lang, parehong hindi binabanggit nina Neil at direk Darryl ang pangalan ng isa’t isa sa kanilang sagutan, pero alam ng netizens na ang isa’t isa ang kanilang pinatutungkulan.
Unang nag-post si Neil ng “IM not surprised that The worst director in The country has no morals whatsoever. Cool ka na ba dahil sa parody mo mumshie? Dami mo viewers no? FYI ang t*e kahit balutan mo ng ginto t*e pa rin.”
May mahaderang netizen na ipinarating kay direk Darryl ang post ni Neil at sumagot ito ng “1. Sa dami ng jobless ngayon, kung nagka job sila sa Demolition Job na yan, sino ako para magmaasim; nabigyan ko sila ng trabaho, if you can’t destroy a content via another content- destroy the creator; yan ang panaya ng mga talunan.
2. sinabi nya yon? Talaga? Ok na siguro yun. kaysa naman ang itawag sa akin ay “asawa ni...”
Sumagot uli si Neil ng “Masaya na ako na narealize mo na ikaw yung director na tinutukoy ko. At least alam ko na alam mo na ikaw yun descrption pa lang. Fee free to insult me because you made me very very happy na alam ko na ikaw yun.”
Sagot naman ni direk Darryl, “hahaha. reply grade 3. tingin nga ng Happy?”
Ayun, natapos ang sagutan nina Neil at direk Darryl na walang banggitan ng pangalan, ‘kaaliw!
Saka, via third party dahil ipinaparating lang sa kanila ang sagot ng isa’t isa.
Willie, part owner din ng AMBS
Balitang ang anak ni former senator Manny Villar at Sen. Cynthia Villar na si Paolo Villar ang uupong CEO ng Advanced Media Broadcasting Systems, Inc., o AMBS kapag nag-operate na sa frequency dati ng ABS-CBN. Si Manny siguro ang tatayong president at iba pang mataas na posisyon.
Hintayin natin ang announcement kung ano ang magiging position ni Willie Revillame sa AMBS dahil part owner na siya nito. Ang sabi, 15 percent ang in-invest nito sa kumpanya, kaya hindi lang siya host ng Wowowin, isa rin siya sa magiging top executive ng network.
Saka, parang may isa pang show na kino-conceptualize si Willie dahil sa post ni Anna Feliciano sa Facebook, nabanggit nitong naghahanap sila ng bagong dancers, aspiring on-cam and off-cam talents for a different show raw. Mag-apply raw sa AMBS ang mga interesado.
Noon pa nababanggit ni Wllie na gusto niyang gumawa ng talent show to discover new talents.
Paolo, umiiwas
Sa kanyang IG story na lang muna nagpo-post si Paolo Contis para makaiwas sa bashers at haters. Pero sa Instagram ng mga kaibigan, nagko-comment siya, gaya sa IG ni Mavy Legaspi na nag-post ng picture ng cast ng I Left My Heart in Sorsogon.
Ang caption ni Mavy sa kanyang post ay “missing this bunch a lil extra today” at sumagot si Paolo ng “sige na nga! Mishu too.” Biniro siya ni Mavy ng “abaaa nag IG din! Haha miss you manoy mikoy!”
This Friday na magtatapos ang rom-com series na tinampukan nina Paolo, Richard Yap at Heart Evangelista. Masalimuot ang pagsisimula ng taping ni Paolo ng series dahil nagkakagulo na sila ni LJ Reyes noon, bago ang airing, lumipad pa-Amerika sina LJ at mga anak nito kasama ang anak nila ni Paolo na si Summer.
Tumakbo ang series na may pagbabanta ang ibang Kapuso viewers na ibo-boycott nila ang show dahil kay Paolo. Hindi yata natuloy ang boycott o kung natuloy man, hindi nakaapekto sa rating dahil maganda ang rating nito hanggang sa ending.
Ngayong magtatapos na ang I Left My Heart in Sorsogon, maging active na uli kaya sa IG si Paolo?
Ate Guy, ika-cancel din?!
May mga nagtatanggol kay Nora Aunor sa hate comments na nakuha nito dahil sa pagsuporta sa kandidatura ni Bongbong Marcos. May nag-comment na kababayan pa naman niya si VP Leni Robredo, pero si Bongbong ang susuportahan. Wala raw paninindigan si Guy.
May nag-akusa pang may monetary consideration, kaya maka-Bongbong si Guy at tinawag pang bulag, balimbing at mabuti raw hindi siya naging National Artist.
- Latest