^

Pang Movies

Benjie, nabiktima rin ng false positive

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Benjie, nabiktima rin ng false positive
Benjie

Sad din ‘yung pagkamatay ni Mahal after niyang dalawin si Mura sa Bicol. Sad dahil imagine, pumunta siya para tumulong kay Mura tapos nauna pa siyang nawala.

Hindi rin siguro akalain ni Mura na mauna pa si Mahal sa kanya. Talagang nakakabigla ang COVID ha, parang pagpasok sa katawan mo, seryoso agad.

Kaloka pa naman na minsan siguro dahil sa rami ng ginagawang COVID test sa mga nagti-taping, minsan namamali rin ang resulta.

Natandaan ko nang magalit si Benjie Paras na lumabas siyang positive sa test na ginawa sa ta­ping niya, eh nang magpa-test siya sa isang private doctor lumabas na negative siya. Iyong takot at anxiety na na-feel niya dahil may mga bata siyang anak sa bahay habang hinihintay ang second testing talagang nakakaloka.

Kaya dapat ding maging maingat at very competent ang mga nagti-test dahil kakaibang takot ang binibigay ng maling resulta, lalo na ngayon. Aside from nawalan ka ng trabaho, nerbiyos pa.

So dapat lang talaga ingat sa lahat. Ingat sa virus, ingat din sa resulta.

Hirap sa back to basic...

Alam mo ba na parang back to basic ang naging buhay ko last week. Sa edad na 74 imagine tumutulo ang bahay, sira ang electricity, walang landline, bakasyon ang personal na kasambahay na si Mel at driver. So, helpless, at parang armless ako, hindi ko alam ang mga gamot na na-take ko sa umaga, tanghali at gabi. Hindi ko alam magbayad ng Globe at Smart, paano ilalagay ang needle ng insulin, paano bibili ng ribs ng aso. Ano ang telepono ng hardware para mag-order ng gagamitin ng karpintero para sa repair?

Kung siguro medyo bata pa ako, ok lang, dahil energetic pa ako, eh siyempre 74 na ako at totally dependent pa kay Mel na kasama ko sa bahay for 33 years na. Grabe, talagang muntik ko nang ma-invite si Gorgy Rula para tumira muna sandali sa bahay dahil perfect assistant siya kahit sobrang mahal ng handling fee. O kaya, titira muna ako sandali sa bahay mo, Salve, para ikaw muna ang mag-alaga sa akin. Kaloka!

Kaya nang mag-advance si Mel para pambayad sa hospital ng nanay niya, give agad ako, para ma-guilty at bumalik agad, hah hah, buti na lang na-convince ko ang kapatid niyang si Cel na huwag munang umuwi para makita ang nanay nila dahil wala na akong kasama kung sakali.

Kaya bigla tuloy nag-isip ako na mag-nursing home na, grabe pala talaga ‘pag wala kang kasama sa bahay, parang helpless ka, hindi mo alam ang gagawin.

Naku, kaya sabi ko nga, ok lang back to basic, walang katulong, ikaw gagawa ng lahat kung medyo bata ka pa. Ang problem talaga ‘pag matanda ka na, mahirap na talaga.

vuukle comment

BENJIE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with