First baby nina Pancho at Max,water birth from home iniluwal
Parang feeling namin, si Pancho Magno ang pumili ng pangalan ng first born baby boy nila ni Max Collins dahil ang pangalan ng baby boy ng mag-asawa ay Skye Anakin na mula sa isa sa karakter sa Star Wars na Anakin Skywalker.
Isinilang ni Max ang kanyang baby na tinawag niyang si Skye noong July 6, sa kanilang bahay thru water birthing at sa inflatable pool niya ipinanganak ang bata. Iniwasan kasi ni Max na sa ospital manganak sa takot na mahawa sila ng kanyang baby ng COVID-19.
Pinost agad ni Max ang photo ng baby nila ni Pancho na ilang araw pa lang lumabas, kita na ang kagwapuhan.
Si Pancho naman, video ng ilang parte ng panganganak ni Max ang pinost. Sinimulan ang video nang ibigay na kay Max ang kanyang baby at umiiyak itong inabot. Makikita rin sa video na si Pancho ang nag-cut ng umbilical cord ni baby Skye.
Post ni Pancho: “The force is strong with this one. To our Son, Skye Anakin, you are one of the reasons why I believe in God. Can’t wait to be your bestfriend.
“To my amazing wife, you are also one of the reasons why i believe in God, you did everything with no medications and no tear. There are NO WORDS to describe what you did. I love you and your heart! You are meant to be a Mother.”
“P.S To all the moms out there! Much love and respect.
Thank you to our Delivery team, Ms. Irina our Doula and Ms. Aileen and Ms. Charm our midwives.”
Ang daming celebrities ang nag-congratulate kina Pancho at Max at pinuri nila ang tapang ni Max at may mga naiyak pa habang pinapanood ang video.
Marami rin ang na-inspire kay Max at baka nga may mga gumaya sa kanya na magsilang via water birth from home.
Glaiza dinaig sa suporta ang ibang Kapamilya stars
Dahil sa tweet ni Glaiza de Castro na “Hindi na ito labanan ng istasyon, laban ‘to ng mga Pilipino. Lahat tayo apektado. Dasal, kapit, akap” na patungkol sa franchise renewal issue ng ABS-CBN, hinanapan ng ibang Kapamilya fans ng suporta sa ipinaglalaban ng ABS-CBN ang iba pang Kapuso stars.
Bakit daw iilan lang ang nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN, nasaan na raw ang ibang Kapuso stars? Lalo na ‘yung galing sa ABS-CBN at lumipat lang sa GMA 7.
Marami ang natuwa sa pagpapakita ng suporta ni Glaiza sa ABS-CBN, hindi lang maiwasang may nega pa rin ang dating sa kanila sa tweet ni Glaiza dahil sumasakay lang daw ang Kapuso star sa isyu.
May mga nag-comment naman na bakit hinahanapan ng netizens ng suporta sa laban ng ABS-CBN ang Kapuso stars, eh ang ibang Kapamilya stars nga raw, hindi maramdaman ang suporta sa kanilang home network.
Ang netizens na rin ang nagbanggit ng mga Kapamilya stars na dedma raw sa ipinaglalaban ng kanilang network, kaya lang, wala pang magkaroon ng lakas ng loob na pangalanan ang sinasabi nilang dedma na mga Kapamilya star.
Christian nakipag-virtual duet kay Delon
Nasilip namin sa IG Story ni Christian Bautista ang virtual launching/press conference ng duet nina Christian at Delon Thamrin na We Are Here na ni-record nila nang magkahiwalay. Si Christian nasa Pilipinas at si Delon nasa Indonesia.
Pati sa launching ng kanilang song, magkahiwalay din sina Christian at Delon dahil hindi nakalipad pa-Jakarta si Christian para sa launching kahapon na ginawa sa Ashley Hotel Wahid Hasyim sa Jakarta.
Anyway, ibinalita rin ni Christian na balik na sa GMA 7 ang All-Out Sundays simula sa Sunday, 12:45 p.m.
Mapapanood pa rin via live streaming ang musical-variety show na kinabibilangan ni Christian.
- Latest