Jon Lucas papagaling na ang covid nang madiskubre
Jon Lucas revealed na isa siyang COVID-19 survivor.
Sa kanyang mahabang Facebook post last Thursday, ibinahagi ng former Hashtags member na ngayon ay GMA 7 talent ang kanyang journey sa nasabing nakamamatay na virus.
“3 days ako nag stay sa NEGH. Kasi doon sa rapid test ko nag-positive ako,” simula ni Jon.
“Opo alam naman natin po at ng karamihan na hindi siya accurate para ma-detect ‘yung virus. Minsan daw kahit negative ka pwede ka mag-positive. Minsan naman daw positive ka pero negative ang lumalabas.
“Ang lumabas dun sa result ko “29 days onwards recovery” parang papagaling na ‘yung infection sa katawan ko. Meaning parang dumaan lang siya,” patuloy niya.
Inamin ng aktor na nakaramdam din talaga siya ng sintomas ng COVID-19.
“Pero aaminin ko may times na inuubo-ubo ako at nilalagnat. Pero dahil nga marami rin tayong ganap kahit nasa bahay lang iniisip ko nalang na baka pagod lang ako.
“Tsaka syempre nawawala wala po agad dahil nga tayo ay may gabi-gabing pagpapanata sa Panginoong Diyos.”
Nang magpa-test daw siya ay na-admit na nga siya sa New Era General Hospital (NEGH) at doon ay kasama raw niya ang iba pang infected.
“Ayun hanggang nung lunes nagpa-test na ako sa NEGH ‘yun nga ang lumabas may past infection ako. Kaya na-admit ako sa NEGH hanggang sa dumating ‘yung result ng Swab test ko. (Mas kayang ma-detect ng swab si COVID) 2-3 days bago lumabas yung resulta.
“Habang naghihintay ng resulta, doon sa NEGH lahat ng nakakasalumuha ko doon lahat may COVID. Kasi ‘di lang sila sa Rapid nag-positive, kundi pati sa swab test nakakailang test na sila laging positive ang lumalabas. Ibig sabihin po meron talaga silang mga karamdaman pong taglay.
“Ayun na nga so 3 days kami magkakasama doon, syempre bilang ako bago lang doon ‘di ko alam anong klaseng sakit ba ‘to. Di ba pag nanonood ka sa social media talagang matatakot ka. Kasi nga ang dami na rin talagang pinatay ng sakit na ito.”
Isang Iglesia ni Cristo si Jon kaya naman sa NEGH siya nagpa-admit na ospital ng mga INC members. Ibinahagi niya na sa nasabing ospital ay parati raw pinapaalala sa kanila ang mga salita ng Diyos. “Pero doon sa NEGH bago ka pa man din ma-admit, paulit-ulit ng ipapaunawa sa’yo ng mga Ministro na nandun, ang paulit-ulit din na binanggit ng Diyos para sa mga lingkod niya na “Huwag kang matakot.” Kahit yan lang daw baunin mo sa araw-araw hindi ka na raw mawawalan ng pag-asa.
“Eh kaso meron pang mga kasunod na pangako ang Diyos eh ‘di ba po, tulad ng “Hindi kita pababayaan” “Pinili kita” “Sa panahon ng pagsubok bibigyan kita ng lakas para mapagtagumpayan mo ito.” Ba’t nga naman tayo matatakot?
“Opo totoo po na pinag-iingat tayo ng Pamamahala para makaiwas tayo sa ganitong karamdaman. Kasi nga hindi natin alam kung sino ang pwede nating mahawa. Baka mamaya mga lolo, lola, tatay, at nanay natin na mga may ibang sakit na talaga at may edad na. Sila ang mahihirapan ng lubos sa karamdamang ito.
“Sa atin naman pong mga kabataan at medyo may lakas pa. Ang hiling lang talaga satin ay mag-ingat, Sumunod, magpasakop at pangalagaan pa ang sarili.
“At ‘di ba naririnig nating lahat na sa NEGH ay sobrang daming gumagaling na COVID patient. Totoo po yon! Hindi po dahil sa magagaling ang mga Doctor doon at nurses. Kundi dahil pinanghahawakan talaga nila ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa bibliya.
“Halimbawa ‘yung pagpapahid ng langis, utos ng Ama na kapag may karamdaman bago man dalhin sa hospital magpatawag muna ng matatanda sa Iglesia para mapahiran ng langis at maipanalangin sa Diyos. Everyday tuwing umaga, ginagawa ‘yun don sa NEGH. Kahit hindi kapatid napapahiran at naipapanalangin. Kababayan man nating Katoliko, Muslim, Protestante andun lahat at lahat sila ay inaalagaang mabuti at sa awa ng Diyos ay marami sa kanila ang gumagaling sa karamdaman,” aniya.
He also revealed kung ano ang kanyang ininom na panlaban sa naturang virus.“At hanap ako nang hanap kung anong ipapainom sa aking gamot doon. Aba ‘yung mga kasama ko doon 14 days 19 days ng andun ang gamot lang pala eh MULTIVITAMINS na nabibili sa botika,” saad ni Jon.
Hanggang sa dumating na raw ang good news na negative na siya. Thankfully, ngayon ay nasa bahay na si Jon.
“Andito na ako sa bahay namin. Kasama ang mga mahal ko sa buhay. At muli, maisasagawa namin ang sama-samang pagsamba sa ating Panginoong Diyos. Ito ang kwento ko. Sa Diyos ang Kapurihan!” pagtatapos ng aktor.
Luckily, mukhang hindi naman nahawa kay Jon ang misis niya at ang kanilang two-year-old son na si Brycen.
- Latest