Tuluyan nang nagsara ang telon para 95-year-old movie icon, ang veteran Filipino-American award-winning actress na si Anita Linda (Alice Buenaflor Lake in real life) na sumakabilang buhay kahapon ng 6:15 ng umaga, June 10, 2020.
Si Anita ang pinakamantandang actress na naging aktibo sa kanyang karera bago ito binawian ng buhay.
Naiwan ni Anita ang kanyang dalawang anak na sina Francesca Lake-Legaspi at Fred Cortez, Jr.
Si Anita ay anak ng isang Amerikanong sundalo at mining engineer na si James Lake at Filipina mother na si Gorgonia Buenaflor ng Iloilo. May isa siyang kapatid na si Mamey Lake na napatay naman ng mga salarin nung October 1950 nang looban ang kanilang bahay kung saan nagkulong sa isang kuwarto si Anita at mga pamangkin kaya sila nakaligtas.
Si Anita ay na-discover ng yumaong stage and film director na si Lamberto Abellana habang ito’y nanonood ng isang stage show sa Avenue Theater na pinamahalaan niya at kung saan tampok noon si Leopoldo Salcedo at iba pa.
Pinabalik niya si Anita sa rehearsal ng stage show the following day pero hindi na ito bumalik kaya niya ito pinasundo. Hindi pa rin noon marunong magsalita ng Tagalog ang Ilonggang si Anita na ang screen name na Anita Linda ay bigay din sa kanya ng director.
Unang isinabak si Anita sa stage play na High School na wala pang dialogue na sinundan ng Biyernes sa Quiapo with Jaime de la Rosa as her leading man. Ginawa rin niya ang Aksesorya with Leopoldo Salcedo. Isinama naman ni Direk Lamberto si Anita sa pelikulang, ang Tia Juana ng LVN Pictures na ipinalabas nung 1943 kung saan ito ang unang naging pelikula ni Anita
Nakatanggap din si Anita ng iba’t ibang parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Gawad Urian, Star Awards for Movies, The EDDYS, Gawad Tanghalan at Young Critics Circle bilang pagkilala sa kanyang husay sa pagganap.
Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mga mahal sa buhay na naulila ni Anita Linda.
Talitha lutang na agad ang hilig sa showbiz
Aminado ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na ito na ang pinakamatagal nilang panahon na magkasama sa loob ng bahay kapiling ang kanilang more than two-year-old daughter na si Talitha who is turning three sa darating na November 6. At sa panahong ito ng lockdown ay marami silang discoveries sa kanilang bubbly and precocious child na lumalaki na may manifestation bilang isang artist.
Since she was a baby, sanay na si Talitha sa music at umarte kaya hindi kataka-taka na magkaroon din ito ng talent sa singing at acting tulad ng kanyang parents na sina Vic at Pauleen.
Sanay na sanay din si Talitha sa biyahe dahil magmula nang siya’y isilang ay madalas siyang kasama sa biyahe ng kanyang mga magulang.
Samantala, nag-resume na ang airing last Monday, June 8 ang Eat Bulaga kung saan pareho kabilang ang mag-asawang Vic at Pauleen. Pero naka-observe silang lahat ng social or physical distancing at hindi pa rin sila tumatanggap ng studio audience dahil sa banta pa rin ng COVID-19.