Wait and see talaga ang lahat sa showbiz kung ano ang magiging epekto ng pandemic sa industriya. Tulad na lang ng restaurant business na sinasabing hanggang 40 percent lang ang iniisip nilang magiging return of investment hanggang sa matapos ang taon, hinihintay din ng entertainment world kung mababawi ba ang audience na puwedeng mawala dahil sa mga bagong panuntunan.
Ang physical distancing, gaano ito ka-puwede sa isang sold out concert?
Ano nga ba ang bagong norm at protocols sa shooting at taping? Kakayanin kaya ng production ang cost? Magkakaroon ba ng cost cutting, at to what extent kaya?
Ang daming katanungan na kailangang sagutin, pero wait and see muna ang lahat for now.
Well, basta tiyak na merong magbabago at hindi ito puwedeng hindi tanggapin. Kailangang mag-adjust ng lahat or else, mas malaki ang mawawala.
2022 kailangan ng mas matinding pangontra
Meron akong Indian friend na nagsabi sa akin na if I can text my friends Happy Day every now and then, iyon daw ang way of spreading good vibes around you that will definitely make happiness surround the earth. Ang sabi nga 2020 ay bad dahil parang nakaluhod ang number 2, asahan na raw na 2022 will be worse, kaya now pa lang ay pilitin na nating alisin ang negativity around the world, panlaban sa dala ng 2022.
Naku naman, kung meron pang worse sa 2020, ewan ko na.
We started the year with lindol, bagyo, bushfires, sunog sa iba’t ibang lugar, tapos March pa lang pandemic na ni COVID-19, what else can we encounter?
Hay naku, mukha talagang si God and only God can help us dahil kung meron pang worse baka hindi na natin kayanin.
Please protect us, Mama Mary and Jesus.
Ruru makikipag-date
Cute ng concept ng e-date ng GMA online, Salve. Dito magkakaroon ng chance ang fans na maka-date ang favorite GMA stars nila.
Ang unang sasalang ay si Ruru Madrid na sure ako na maraming fans ang matutuwa dahil ang sarap nga namang sumali at maka-date si Ruru. Sa Thursday evening ang umpisa ng E-Date, Salve. Puwede ka ring sumali. Hahahaha.