Basketball star na si Von Pessumal magpapatali sa beauty queen girlfriend!

Lockdown na for life ang PBA player na si Von Pessumal sa kanyang girlfriend na beauty queen-tuned-actress na si Laura Lehmann.

Ang ibig sabihin ay engaged na sina Von at Laura. Yes ang sagot ng huli na inilabas niya sa kanyang Instagram account. “Yes…May 3, 2020,” caption ni Laura sa pic nila ng fiancé sa Instagram niya. “Ahhh congrats!!!” komento ni Lovi Poe.

“Yaaahhhh!!! Lauleeeee! I’m so happy for you and Von!!!  I love you guts!!! Congratulations,” sey naman ni Megan (Bata) Young.

Bago naging beauty queen at artista, courtside reporter ng UAAP si Laura.

Isa rin siyang Regal baby ngayon at nakagawa na ng pelikula.

Yasmien hindi pino-problema ang datung!

Unti-unti na ring naaadik sa Korean drama si Yasmien Kurdi dahil na rin sa lockdown.  Ang panonood ng K-drama ang isa sa ginagawa niya habang naka-quarantine kasama ang asawa’t anak kesa mag-Tiktok.

Nakaplano sana silang pumunta sa Korea ng pamilya pero dahil sa lockdown ay ipinagpaliban muna nila ang lakad.

Kung merong isang bansa na gusto niyang puntahan ay ang Ecuador dahil tinatangkilik doon ang isa niyang Kapuso series.

Kahit kapwa wala silang trabaho ng piloting asawa, secured naman ang finances niya dahil may ipon sila.

Show comments