Keempee napagkamalang may bagong anak

Natawa ang maraming netizen sa pinost ni Keempee de Leon sa kanyang Facebook account kamakailan.

Pinost niya ang photo niya na naka-face mask at parang may hinihintay sa labas ng dalawang malalaking pintuan.Ganito pala ka tagal pag naghintay sa delivery room...haaay,” caption pa niya sa FB post.

Dumagsa tuloy ang mga congratulary messages kay Keempee mula sa kanyang mga kaibigan in and out of showbiz. Magiging tatay na raw ulit siya. 

Matagal-tagal bago nag-reply si Keempee sa mga comment at nung sumagot na siya, heto ang nakakatawang reply niya sa lahat ng nag-congratulate sa kanya:

AY GUYS NAKALIMUTAN KO PALA LAGAY DELIVERY ROOM YAN NG GILINGAN. NAG PA GILING KASI AKO NG BEEF N PORK!”

Nasa supermarket pala si Keempee at ang dalawang malalaking pinto na parang delivery room ay ang lugar kung saan ginigiling ang mga malalaking bulk order ng mga karne!

Pahabol ni Keempee na kahit tapos na raw ang April Fool’s Day, naging effective pa rin daw ang naging joke niya sa social media.

Signature shoes ni Kobe Bryant ng Nike, mas mura

Tahimik na naglabas ang Nike ng bagong Kobe Bryant signature shoes bilang tribute sa pumanaw na basketball legend.

Tinawag itong Mamba Fury” na isangtakedown model, essentially a budget-friendly hoop shoe. It has fewer technical investments than more expensive shoes.” 

Pinili ng Nike ang mas simple at more classic look as homage kay Kobe.

Ayon pa sa Nike: The noticeable difference is a newly designed textile ‘upper’ with a barely visible snakeskin pattern knitted in. The new-look upper will allow Nike to tinker with different colorways and patterns of the new shoe. It’s a lightweight, low-cut shoe with a minimal setup that allows for maximum court feel.”

Nasa design ng Mamba Fury ang colors ni Kobe na purple and gold na siyang kulay din ng Los Angeles Lakers team.

This summer, isasama na ang pangalan ni Bryant sa Naismith Basketball Hall of Fame. Isang mahalagang tribute ito sa tinatawag na greatest hoopers in the game’s history.

Show comments