Alam mo, Ateng Salve, kahapon ay lumabas ako at naglakad around Beverly Hills, California dahil kailangan kong bumili ng pagkain.
Napadaan ako sa may Rodeo Drive na isa sa mga pinupuntahang lugar ng mga tourist na namamasyal sa lugar na nabanggit.
Naku, Ateng Salve, halos wala akong nakasalubong, huh!
Kung may ilan man na naglalakad din, talagang umiiwas kapag may nakakasalubong. Lahat din ay naka-mask na ngayon dahil pinatutupad dito ang pagsusuot nito.
Ang Rodeo Drive noon, dahil lugar nga ng high end stores, talaga namang marami kang makikitang mga sosyal at kung sinusuwerte ka nga ay may Hollywood stars ka pang makakasalubong, pero ngayon nga wala na.
But what can we do, katulad din kasi sa maraming mga lugar around the world, lockdown din sa California ngayon at ang Los Angeles County nga ay extended pa hanggang May 15, huh!
LT nagpaalala sa pagsusuot ng mask
Ang post ni Lorna Tolentino sa social media accounts niya na “Mask is a Must”. Kalakip no’n ang hashtag na #MasOkPagNakaMask at #LigtasPilipinas na project ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.
Maraming mga celebrity na katulad ni Lorna ang naghihikayat sa ating mga kababayan na mag-mask dahil talaga namang napakaimportanteng bagay ‘yon para maging ligtas sa COVID-19!
Mariel busy sa pagbi-bake sa New York
Nahihilig magluto at mag-bake si Mariel de Leon na based na ngayon sa New York. May sariling apartment na si Mariel sa lugar na ‘yon.
Kahapon ay nag-message ako sa kanya at tinanong kung mahilig lang ba talaga siyang magluto o nag-aral talaga siya?
Sagot ni Mariel, “I studied Professional Cookery and Baking for college in New Zealand. My favorite food to bake are chocolate chip cookies, any pies, and also simple desserts like banana bread or brownies.”
Wow, ang bongga naman talaga ng beauty queen/model/actress daughter nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, huh!
I’m sure, ipinagluluto niya ang boyfriend niyang si Eric Luz na naipakilala na niya sa akin nang isama niya ito na um-attend sa birthday celebration ko last year.
‘Yun na!