Jon at Michael Pacquiao nakagawa ng kanta tungkol sa COVID-19

Kahit naka-quarantine, nakakatuwa ang iba nating artista na nagagawa pa ring maging productive sa kani-kanilang bahay. Tulad na lamang ng Kapuso actor na si Jon Lucas na nakapagsulat pa ng awitin para sa mga apektado ng COVID-19.

Ipinost ni Jon sa kanyang IG ang pag-awit niya ng kantang nasulat titled Wag Kang Matakot na ang musika raw ay inilapat ni Michael Pacquiao.

“Hello po sainyong lahat! May sinulat akong kanta para sa ­aking mga Kaibigan at KAPATID na lubos na naapektuhan ng mga pangyayaring ito sa mundo. Sa ganitong paraan sana makatulong kami sainyo, hindi man kami makapag abot ng inyong pangangailangan. Pero bilang kaisa ng Pamamahala nais namin na patatagin pa ang inyong loob. Pagpasensyahan niyo na po ang aking BOSES, pati ang TONO! Pero pangako mula po yan sa puso ko 

“Yung Music galing po kay @pacquiao.michael,” ang caption ni Jon.

Marami ang nagandahan sa awitin at in-encourage pa ng netizens ang aktor na gumawa pa ng maraming kanta.

Rodjun napasayaw sa pagbubuntis ni Dianne

Napasayaw sa labis na kaligayahan si Rodjun Cruz sa Tiktok dahil sa magandang balita na buntis na sa kanilang panganay ang asawang si Dianne Medina. Kasabay nga nito ay nagpasalamat siya sa lahat ng congratulatory messages na natanggap nila.

“To my dearest family and friends, allow me to take this opportunity to thank all of you, for all your warm wishes. Sorry na hindi ko kayo lahat mapasalamatan but please know that nabasa ko lahat ng mga messages niyo at sobrang na appreciate ko kayo. Our Lord continues to remind us that even in the most trying times, He is in control of everything, and He really is our Lord of infinite possibilities and all things good. to bless us all. Mahal namin kayong lahat,” ang caption ni Rodjun sa kanyang Instagram account.

Show comments