Sky, Knowledge Channel Foundation, at DepEd naglunsad ng emergency education program

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang edukasyon ng mga mag-aaral na nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal sa pamamagitan ng sanib-pwersang proyekto ng SKY at Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) na  EduKalidad sa Kalamidad, isang emergency education assistance program na maglalaan ng TV sets na may kasamang educational materials sa mga evacuation centers. 

Ang proyektong ito ay inisyatibo ng SKY at KCFI, kasama ang Department of Education, kung saan makakatanggap ng Gift of Knowledge package na may multimedia television set, external hard drive na naglalaman ng higit sa 1,500 educational videos at lampas sa 1,000 digital resources ng curriculum-based lessons para sa K-12 tulad ng English, Math, Science, at Araling Panlipunan. Ipamamahagi ang mga ito sa pitong evacuation centers sa Batangas at Cavite.

Maliban sa  Gift of Knowledge packages, mamamahagi naman ang KCFI ng suportang psycho-social at kaukulang training sa mga teacher sa evacuation centers.

“Dahil sa madalas na pagbayo sa ating bansa ng mga sakuna, nagiging parang normal na pang-araw-araw na sitwasyon na ang mga kalamidad sa ating mga Pilipino. Naniniwala kami na tungkulin nating matuto ng maayos ang kabataang Pilipino sa harap ng ganitong mga pagsubok. Sa pagtagal ng kanilang biglaang pagkatigil sa pag-aaral dahil sa mga kalamidad, mas malaki ang porsyento na tumigil sila ng tuluyan sa pag-aaral,” ayon kay Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) president at executive director Rina Lopez-Bautista.

Kasama ang DepEd, layon ng SKY at KCFI na maihatid ka­agad ang Emergency Education Program hindi lamang sa mga evacuation centers sa Taal, ngunit pati na rin sa mga pan­samantalang  learning spaces at evacuation sites sa buong bansa. 

Ang SKYdirect ay ang satellite TV service ng SKY na nagbibigay sa pamilyang Pilipino ng nationwide access sa mas madaming balita, edukasyon, mga pelikula, entertainment at lifestyle na channels.

Para sa iba pang kaalaman tungkol sa Knowledge Channel Foundation at para mag-donate, bumisita lamang sa www.knowledgechannel.org.

Show comments