^

Pang Movies

Renz sinusuot pa rin ang naiwang sapatos ni Rudy

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Renz sinusuot pa rin ang naiwang sapatos ni Rudy

Matagal-tagal na ring walang ginagawang teleserye si Renz Fernandez, pero hindi raw siya nawalan ng trabaho, dahil ilang buwan na rin siyang nagti-training bilang isang military medical doctor sa magsisimulang ipalabas na Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

“Ako si Dr. Earl, general surgeon at nag-training ako talaga sa mga totoong doctor sa V. Luna Hospital,” pakilala ni Renz sa kanyang character.  “Pero nagtraining din ako sa mga kaibigan kong doctor.  Magkakasama kami sa grupo nina Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis Smith, Andre Paras, Charize Solomon na girlfriend ko sa story, medyo may pagka-comedy.”

Ang isang ibinahagi ni Renz, ay ang naka-schedule nilang pagpapagiba ng kanilang bahay sa White Plains, at magpapatayo sila ng tatlong town houses, para sa Mama niya (Lorna Tolentino) at kuya Raf-Raf niya at kanya.  Malungkot daw dahil mawawala na ang memories nila roon, pero mananatili pa rin sa memory nila ang Papa nila, si Rudy Fernandez. 

Ipinakita pa ni Renz na suot niya sa taping ang shoes ng Papa niya.

Next month na mapapanood ang pinakahihintay na Descendants of the Sun.

Alden ‘di na sinipot ang get-together ng fans nila ni Maine

Isang event na bumubuo sa solid fandom ng AlDub Nation (ADN), mga fans ng phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza, ang idinaos last Saturday, January 18, sa La Chandallle Events Place in Quezon City.

Titled At Night To Remember With Alden & Maine, na dinaluhan ng fans. Five years of friendship ang taguri ng fans dahil five years na silang magkakasama at magkakaibigan simula nang mabuo ang love team nina Alden at Maine last July, 2015.

Mula sa Sinulog 2020 celebration sa Cebu, last Saturday,  naging representative ng Eat Bulaga sina Maine, Paolo Ballesteros at Allan K kasama nila ang mga naging Miss Millennial Philippines 2018 and Miss Millennial Philippines 2019.

Bumalik din agad sa Manila si Maine para nga mag-attend ng ADN event.

Hindi naman nalungkot ang fans kahit wala si Alden, naiintindihan daw nila na may trabaho ito. 

Noong umaga kasi, pumunta pa si Alden sa mga evacuation center sa Taal para mamigay ng relief goods at kumustahin ang mga naapektuhan ng Taal Volcano eruption.  Kinahapunan, from Taal, bumalik siya ng Manila, para mag-report sa rehearsal at taping ng Sunday show nilang All-Out Sundays, kaya nagpadala siya ng video message sa kanilang fans ni Maine na hindi siya makakarating at ipinakita pa niya ang pagri-rehearse nila.  Nag-sorry si Alden na hindi siya nakadalo at nagpasalamat sa lahat ng mga dumalo.

Nakipag-selfie at nakipag-group picture naman si Maine sa mga fans.

Isinunod ni Maine na magpasalamat daw silang lahat sa kanyang road manager na si Michael Uycoco, na naging napakabait din sa fans kapag may kailangan sila para kay Maine. Biro pa ni Maine, pagod na raw si Michael sa mga sunud-sunod nilang lakad here and abroad.

RENZ FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with