Regine hinihiritan makipag-collab din kay Lea

Hindi na maitago ang kasiyahan nina Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo dahil sa pagdadagdag ng seats sa Araneta Colisuem para sa concert nila na Unified.

Kinailangang dagdagan ang mga upuan kahit pa dalawang gabi na ang kanilang concert dahil na rin sa sobrang daming gustong makapanood.

Pangako ng Pop star royalty na si Sarah G., hinding-hindi raw masasayang ang gabi ng mga manonood sa pambihirang pagsasama nila ni Regine.

Thankful naman si Regine dahil pinili ng fans ang mapanood ang concert nilang dalawa sa Araw ng mga Puso.

Namangha naman ang fans sa mabilis na pagpayat ni Regine.

Nag-post ito sa kanyang vlog kung paano ang diet na kanyang ginagawa.

Samantala, tapos nang magtambal sina Sharon Cuneta at Regine, at ngayon ay silang dalawa naman ni Sarah. Sana naman daw ay sa Mother’s Day ay mag-concert din sila ni Lea Salonga.

Show comments