Aktor at pamilya matindi ang away dahil sa ari-arian

Naku, Ateng Salve, marami ka talagang dapat ipagpasalamat sa buhay lalo na ‘yung pagiging magkasundo ninyo ng pamilya mo.

Kaka-sad kasi na kapag kapamilya mo ang kabangga o kaaway mo.

Ang aktor na ito, mukhang lalong lumalala ang away sa ilang miyembro ng kanilang pamilya.

Kuwento ng isang friend ko,

“May naka-post sa fence ng compound nila na parang beware buyers, under court litigation.”

Mukhang nagsisiguro ang mga kapamilyang kabangga o kaaway ni aktor na hindi niya basta puwedeng ma-dispose ang property nila na ‘yon.

Tsk... tsk... tsk...

Sana magkaayos-ayos na lang si aktor at ang mga kamag-anak niyang kabangga o kaaway para matigil na ang ganoong problema nila.

Na kung may properties man sila na pinag-aawayan ay maayos na nila sa magandang usapan.

May kasabihan pa naman tayo na “blood is thicker than water” at kahit hindi nagkakasundo ang magpapamilya ay hindi puwedeng alisin ang katotohanan na magkakadugo pa rin sila, huh!

Well, ako, I’m praying na maging ok na silang lahat!

Anak nina Rochelle at Arthur puring-puri

Actually, masaya ako na nakikita na happy ang magkakapamilya, kaya naman natuwa ako nang makita ang mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap noong January 1 sa Power Plant mall sa Rockwell Center, Makati City.

Kasama nila ang daughter nilang si Shiloh Jayne.

In fairness, ‘yung mga nakakasalubong nila, sinusulyapan ang baby nila at nagkokomentong ang ganda ni Baby Shiloh.

Ang bongga!

Solenn excited bisitahin ng mga kaibigan

Kahapon nakatakdang dumalaw si Raymond Gutierrez sa kaibigang si Solenn Heussaff na nanganak noong Wednesday sa panganay nila ng mister na si Nico Bolzico, kay Baby Thylane Katana.

Kasama sana ni Raymond si Liz Uy. Pero hindi nga raw siya nakadalaw dahil na-busy at paalis daw siya ngayon pa-Siargao island.

“I will visit Sos and her baby sa house nila pagbalik ko from Siargao,” sey ni Raymond. Vacation at hindi raw event ang pupuntahan ni Raymond sa Siargao.

Bale rest daw muna siya bago sumalang sa kaliwa’t kanang events na iha-handle niya.

In fairness, ang Opulence event ni Raymond noong Halloween last year ang isa sa pinakabonggang events ng 2019, huh!

‘Yun na!

Show comments