Cesar nanggulat

Cesar

Maraming nagulat nang kumalat kahapon na pumanaw na ang GMA reporter / movie director na si Cesar Apolinario.

Iilan ang nakakaalam sa showbiz na may stage 4 cancer ito - lymphoma na isang uri ng kanser ng lymphatic system.

“We are deeply saddened by the passing of our Kapuso, Cesar Apolinario, Jr., who peacefully joined his Creator today, December 13, 2019.

“An award-winning broadcast journalist, writer, and director, Cesar will be greatly missed by his family, friends, and colleagues, especially those in GMA News and Public Affairs and in the film industry, where he devoted the best years of his life.

“A loyal Kapuso, his dedication to his craft as a news reporter, producer, and public affairs host will continue to serve as an inspiration to all.

“We join his entire family and loved ones in praying for his eternal repose,” ang official statement ng GMA 7.

Rest in Peace Direk.

Kakalungkot ang sunud-sunod na pagpanaw sa industry. Hindi pa nakaka-one week ang nangyari kay Miko Palanca, ang kay Mr. Mike Miranda na isang movie producer at sa veteran former showbiz editor and columnist na si tita Veronica Samio.

Dennis naging OFW

Magpapatuloy ngayong Sabado, December 14, ang anniversary special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sa two-part episode na ito, tampok si Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Rens, isang OFW na nakipagsapalaran sa Saudi Arabia.

Hihingi ng tulong sa kanya ang mga kapwa niya Pilipino na minamaltrato pala ng kanilang amo.

Papayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na huwag nang makialam dahil panganib lang ang magiging dala nito sa kanyang buhay.

Panoorin ang highlights ng unang bahagi ng episode na OFW Most Wanted.

Huwag palampasin ang part two ng OFW Most Wanted, ngayong Sabado, December 14, sa #MPK, pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

 

 

 

Show comments