^

Pang Movies

Sen. Bong bumuwelta: ‘walang batas na nagbabawal mag-artista ako’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sen. Bong bumuwelta: ‘walang batas na nagbabawal mag-artista ako’
Sen. Bong

Tuloy ang showbiz comeback ni Sen. Bong Revilla. “Wala pong batas na nagbabawal sa pag-aartista. Ito ay isang marangal na trabaho na bumuhay at bumubuhay sa pamilya ko,” sabi niya sa official statement na inilabas ng kanyang kampo kahapon.

“Haters are going to hate, and bashers are going to bash. The truth is out there and it is their choice to side with lies and falsehood. Sino ang may problema? Not me,” dagdag pa niya.

Umalma nga kasi ang netizens tungkol sa kanyang diumano’y pagsabak sa drama series ni Alden Richards na The Gift na unang lumabas sa column namin sa Pilipino Star NGAYON.

Agad nag-trend ang #NoToBongRevillaOnTheGift.

Pero habang sinusulat namin ito kahapon ay sinabi ng isang GMA insider na malaking-malaki ang chance na mag-comeback nga ang senator / actor sa nasabing GMA Primetime series unless maapektuhan ng bashing ang nakaplano na nila for Sen. Bong.

Bukod sa fans ni Alden, nag-react din kasi si Sen. Bato dela Rosa sa balitang comeback ni Sen. Bong.

“Priority niya ‘yung pagse-Senador niya dahil binoto siya ng taumbayan,” sabi ni Sen. Bato sa interview sa senate reporters the other day.

“Tama si Sen. Bato, alam ko ang priority ko. I have and will always put my commitment to the Filipino people first,” sagot naman ni Sen. Bong sa nasabing statement.

Dagdag niya pa : “Records will bear how I fulfilled my mandate in my previous terms, and the almost six months of my work in senate now will speak for itself.

“During my previous terms, I filed more than 600 bills and resolutions, of which 223 became laws. Today, I have a total of 160 bills and resolutions filed, some of which are now being heard by the different committees of the Senate. Being the Chairperson of two major Senate committees - Civil Service and Public Information, and designated Sub Committee Chairman of Social Welfare, I prioritized proposals that directly benefit sectors of our society. I am also the Chairman of the Energy Committee of the Commission on Appointments. I also actively participate in Committee hearings and in Plenary Sessions. In fact, I am co-author of the two bills that recently passed third reading in the Senate - Postponement of Barangay/SK elections and National Day of Remembrance for Road Crash Victims/Survivor/Families. I also reported out to the Plenary two of my Committee’s reports that would benefit our more than 800,000 teachers.

“I am first and foremost a legislator. I know my mandate.”

Bukod sa TV comeback balita ngang may gagawin pang movie si Sen. Bong next year.

Korean actor na favorite ni Jinkee nagpa-picture kay Heart?!

Bongga si Heart Evangelista.

Naka-groufie nila ang favorite Korean actor ni Jinkee Pacquiao na si Ji Chang-wook sa Singapore.

Pareho silang invited sa event ng luxury brand na Cartier.

Ang kuwento nakita ni Heart na nakatingin sa kanya ang Korean actor so nag-dialogue ito (Heart) kung puwedeng mag-picture sila. Na game naman daw agad ang actor at siya pa ang humawak ng camera at naka-thumbs up pa.  “Thank you @jichangwook for standing up and taking a photo with us. So lovely to meet you!  #ClashDeCartier #SSILIFE.”

Ang dami naman agad napa-puso sa nasabing post ni Heart.

Grabe talagang tuloy ang Korean fever sa ating bayan.

vuukle comment

SEN. BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with