Derek at Dondon apektado sa pagpanaw ng anak ni Lucio Tan Sr.

Derek

Apektado ang ilang showbiz celebrities sa biglaang pagpanaw ng anak ng bilyonar­yong negosyante na si Lucio Tan, si Bong Tan, sa edad 53.

Una na riyan si Dondon Moteverde, anak ni Mother Lily, at isa sa executives ng Reality Entertainment. Ayon sa Face Book post ni Dondon, ka-text niya si Bong nu’ng Huwebes.

“I never thought that our exchange of text last Thursday was gonna be our last. Thank you for all the kindness you have shared to me and my family. May your soul rest in peace,” saad ni Dondon.

Brother naman ang tawag ni Derek Ramsay kay Tan, Jr. Nilabas niya sa kanyang Instagram ang picture nila ng pumanaw na kaibigan.

“Today is such a sad day for many. This man has touched the lives of many people and I am definitely one of them. He is a good man, a good person and a great friend.

“You will be dearly missed. We love you!!! #bongtan #gonetoosoon,” caption ni Derek.

Miles hindi inasahang papasok sa MMFF

Inakala ni Miles Ocampo na drawing lang ang sinabi sa kanya na bibida siya sa romantic comedy film na Write About Love.  Hindi agad nag-sink in sa kanya na siya ang choice ni direk Crisanto Aquino na bidang-babae.

“Akala ko kasi, parang gagawin pa lang ni direk. Isusulat pa lang niya.

“Nag-sink in na lang siya sa akin nu’ng first shooting day namin. First scene ko.

“Nung first eksena namin, two cams (cameras) ang nakaharap sa akin. Nanginginig ako. Sobrang kabado, tensiyonado ako.

“Hindi ako sanay na dalawa ang kamerang nakaharap sa akin! Ang dami ko pang scenes! Wala akong pahinga! Opening to closing ng araw, kasama ako sa mga eksena!”pahayag ni Miles nang makausap siya ng press.

Alam niyang mabibigat at malalaking artista ang makakabangga niya sa Metro Manila Film Festival. “Alam po namin ‘yon eh panoorin lang ng mga tao ang aming movie, masaya na ako. Wala akong ambisyong pumasok sa Top 3 pero kung ibibigay ng Diyos, malaking bonus na sa amin ‘yon!” bulalas ni Miles.

Show comments