Mga taong mahina and IQ at EQ ‘di puwede sa social media
Iba-iba talaga ang level ng tolerance sa pain ng bawat tao, Salve.
May mga tao na parang sadista na kahit ano pa ang sakit na maramdaman nila, okey lang at talagang kinakaya nila.
Meron naman na konting bagay lang, madaling bumigay at agad ng tatalunin ng sakit ng loob na nararamdaman.
‘Yung mga active sa social media, dapat na mas mataas ang tolerance nila sa pain. Hindi sila dapat madaling mapikon, buo ang tiwala sa sarili, mataas ang IQ at EQ nila.
‘Yung iba, masyadong cruel kung magbigay ng comment sa social media. Parang ang linis-linis nila at kung magkomento, akala mo kilalang-kilala nila ang mga tao na kanilang sinisiraan.
Kung mababa ang emotional quotient ng mga sinisiraan nila, tiyak na tatamaan at masasaktan. Kung mababa rin ang intelligent quotient ng isang tao, papatol at sasagutin niya ang mga paninira laban sa kanya.
They really test your patience and how strong you are. ‘Yung iba natatalo, ang iba, keber lang kaya dapat na i-test mo na mabuti sarili kapag naging active ka sa mga social media platform tulad ng Instagram, Facebook at Twitter dahil unseen at hindi mo kilala ang mga kaaway.Bakit magpapaapekto?
Let them wallow in their own anger, envy and insecurities, basta ikaw tuluy-tuloy lang ang buhay. Enjoy social media to the fullest.
Mga taga-starstruck suportado ng pamilya
Si Allen Ansay ng Camarines Sur ang isa sa dalawang boys na Final Two ng Season 7 ng Starstruck.
16 years-old pa lamang si Allen at pangarap niya talaga na maging artista.
Natawa ang mga reporter na nakausap ni Allen sa final presscon ng Starstruck dahil sa kanyang sinabi na hindi siya matalino sa klase. Kuntento na raw siya na makapasa, kahit hindi mataas ang grades niya.
Teacher ang nanay ni Allen at seaman ang kanyang ama. Hindi pa bumabalik sa trabaho ang tatay niya dahil ito ang kanyang kasama sa kuwarto na inuupahan nila sa Cubao habang on-going ang Starstruck.
Sa Linggo na ang grand finals ng reality-based artista search ng Starstruck. Excited si Allen dahil luluwas mula sa Camarines Sur ang pamilya niya para bigyan siya ng moral support.
Nagmula rin sa mahirap na pamilya si Shayne Sava na pinapaboran na manalo bilang Ultimate Female Survivor ng Starstruck Season 7.
May mga nagsasabi na kalookalike ni Shayne si Kris Bernal na produkto rin ng Starstruck pero magkaibang-magkaiba ang hitsura nila.
Nagkataon lang na parehong petite sina Kris at Shayne kaya pinagkukumpara sila.
At dahil mahirap lang ang pamilya ni Shayne, nakatira sila ng kanyang lola sa isang dormitory somewhere in Quezon City. Malaki ang kanilang natitipid kesa uuwi pa sila sa bahay nila sa Binangonan, Rizal.
- Latest